Kilalang female celeb buking ang dating itsura, nagparetoke rin pala

By Cristy Fermin April 18,2019
share this

Kilalang female celeb buking ang dating itsura, nagparetoke rin pala

By Cristy Fermin April 18,2019
share this

ANG kasaysayan talaga ay hindi naitatago. Maraming taon ang lilipas, magbabago ang panahon, pero ang kasaysayan ay mananatiling buhay at nandiyan lang.

Tungkol ito sa isang maganda at seksing female personality na kinakasihan ng kapalaran ang karera sa mga panahong ito. Maraming gandang-ganda sa kanya, mahusay rin siyang umarte, biglang nagkakulay ang kanyang career.

Pero may kuwento ang aming source tungol sa maganda at seksing aktres, nu’n palang hindi pa nginingitian ng kapalaran ang kanyang karera ay meron din siyang mga sideline, heto ang kanyang kuwento.

“Nangangarap siyang makilala, puwede namang mangyari ‘yun, dahil nasa kanya ang mga qualities ng isang personality na puwedeng sumikat. Pero hindi pa niya kakampi ang panahon nu’n.

“Maraming plano, pero hindi naman natutuloy. Gagawin na lang niya ang project, pero biglang mapapalitan pa siya. Ang tagal-tagal kaya niyang naghintay?

“So, nu’ng mga panahong ‘yun, e, kasama muna siya sa listahan ng mga artistang ipinadadala ng production na nag-aalaga sa kanya sa mga hindi kalakihang events.

“Minsan, rumarampa lang siya para sa launching ng produkto, paikut-ikot siya sa stage, walang gaanong pumapansin. Parang isa lang kasi siya sa marami.

“Tiniis niya ‘yun, magkano lang ang talent fee niya, pero okey lang, carry lang ‘yun para sa kanya, dahil marami siyang natututuhan. Saka hindi naman siya nagugutom, maayos ang family nila, titulado nga ang mga kapatid niya.

“Hanggang sa ‘yun na nga, nagkaroon na siya ng mga programang napapansin na siya. Magaganda na ang ginagawa niyang projects, nagmamarka na siya,” kuwento ng aming impormante.

Napansin lang ng aming source na may nagbago sa itsura ng female personality. May larawan kasi ito ng girl nu’ng nagsisimula pa lang siya.

“Magaling ang doktor na gumawa sa kanya, ha? Hindi masyadong halatado na nagparetoke rin siya. Disimulado, hindi masyadong pansin, pero hindi ganyan ang itsura niya nu’n!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, gusto n’yo bang makatikim ng halik bago n’yo mahulaan kung sino siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending