P120M jackpot ng Grand Lotto hindi tinamaan

By Leifbilly Begas April 16,2019
share this

P120M jackpot ng Grand Lotto hindi tinamaan

By Leifbilly Begas April 16,2019
share this

HINDI tinamaan ang P120.9 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa winning number combination na 52-38-32-01-06-07.

Nanalo naman ng tig-P200,000 ang limang mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.

Tig-P1,990 naman ang 417 mananaya na nakakuha ng apat na numero. Balik naman ang P24 taya ng 10,513 mananaya na nakakuha ng tatlong numero.

Ang mga premyo sa lotto na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Huling tinamaan ang jackpot prize nito noong Enero 21. Isa ang nanalo ng 239.2 milyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending