Yam gusto ring mag-audition para sa Darna, Valentina | Bandera

Yam gusto ring mag-audition para sa Darna, Valentina

|April 15,2019
facebook
share this

Yam gusto ring mag-audition para sa Darna, Valentina

- April 15, 2019 - 12:25 AM


HABANG wala pang napipili ang Star Cinema bilang kapalit ni Liza Soberano sa “Darna” movie, pahaba naman nang pahaba ang listahan ng mga female stars na posibleng gumanap sa iconic Pinay superhero.

Isa na nga riyan ang Halik lead actress na si Yam Concepcion. Wala naman daw masama kung ita-try niyang mag-audition para sa nasabing proyekto.

“Ang daming nagsasabi na kamukha ko si Anjanette Abayari,” dating aktres na isa sa mga nabigyan ng chance na sumigaw ng “Darnaaaa!” sa 1994 film version nito.

“‘Bakit hindi ka mag-audition?’ Mag-audition kaya ako? Pero parang napi-feeling-an ako sa sarili ko,” chika pa ni Yam.

“Pero sabi ko, parang, bagay ba sa akin? Pero siyempre, ’pag naging Darna ka, part na ’yun ng history ng Pilipinas. So nakakatuwa, exciting, why not? Sana!” aniya pa.

Pero hirit pa ng aktres, “Or puwede ring Valentina, kasi ahas naman si Jade!” na ang tinutukoy naman ay ang karakter niya sa kabitserye na Halik.

Si Valentina ang pinakasikat na kalaban ni Darna na puro ahas ang nasa ulo.

Bukod kay Yam, ang ilan pa sa mga pwedeng pumalit kay Liza ayon na rin sa mga suggestion ng netizens, ay sina Nadine Lustre, Pia Wurtzbach at Maja Salvador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending