Ronnie itinago sa pamilya ang pagiging piloto: Baka hindi ako pumasa | Bandera

Ronnie itinago sa pamilya ang pagiging piloto: Baka hindi ako pumasa

Julie Bonifacio - April 15, 2019 - 12:10 AM


THANKFUL ang singer-actor na si Ronnie Liang sa Viva Entertainment na siyang namamahala ng kanyang showbiz career.

May bago siyang album under Viva Records na nakabenta na ng 4,000 copies habang nasa one million na ang nag-download nito sa digital platforms.

Nakasama rin si Ronnie sa limang pelikula na pinrodyus at ni-release ng Viva at nakaka-join din siya sa mga concert tour ni Sarah Geronimo sa loob at labas ng bansa.

Gaya sa April 27, may concert si Sarah sa La Salle Dasmariñas, Cavite at isa siya sa guests ni Popstar. At sa May 18 ay sa Baguio University naman ang concert ni Sarah.

Inaayos na rin ang solo concert ni Ronnie for his 12th anniversary celebration sa June. Confirmed na raw na isa si Sarah sa magiging special guest niya.

“Magre-record din kami ng songs, either one or two, ni Sarah. Para sa album po ‘yun. Para sa digital release lang po. Pero pwede rin kantahin sa concert para kapag magtu-tour kami, meron na kaming kakantahin,” lahad ni Ronnie.

May teleserye rin daw siya under Viva na pinapalabas sa Sari-Sari channel ng Cignal, ang GhostAdventures na napapanood tuwing Monday, Wednesday and Friday. Si Benjie Paras ang bida sa show.

Masaya ring ibinalita sa amin ni Ronnie na nag-aaral siya sa isang flying school ngayon. Bata pa lang ay pangarap na niyang maging piloto.

“Naglilinis kami ng tatay ko noon, if I may share. Tapos may dumaang eroplano. Sabi ko, ‘Tay, ‘yan ang pangarap ko.’ Sabi niya, ‘Ang taas naman ng pangarap mo?’ ‘Yung the way he delivered, doubtful siya.

“Kasi unang-una, we’re not financially okey during that time. Tapos magastos ‘yung course,” kwento ni Ronnie.

But now, malapit na niyang matapos ang kanyang private pilot course. Kailangan daw niya ng 40 hours para makapagpalipad ng maliit na eroplano. At hanggang 200 hours flying experience naman for commercial plane.

“Habang nag-aaral po ako may kumuha po sa akin na mag-endorse ng isang aviation company. Pag-aaralin nila ako. Good thing ka-tie-up nila ‘yung school ko ngayon, Aviation Marketing Solutions,” kuwento pa ng binata.

May exam din daw siyang kailangang kunin para magkalisensya mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

“Para siyang LTO natin. So, uupo ‘yung taga-CAAP, sasakay. Paliliparin ko ‘yung eroplano, itse-tsek niya. Kaya I’m very excited po,” lahad niya.

Positibo naman si Ronnie na papasa siya dahil ‘yung teacher daw mismo ang nagsabi na umpisa pa lang daw, magaling na siyang magpalipad ng eroplano.

“Yung iba kasi bumababa, tumataas ‘yung eroplano. Sa akin, hindi. Saka ano rin kasi, tinapos ko ‘yung 12 subjects bago ako pinayagang lumipad. At saka may simulation exam pa. Hindi rin basta-basta.

“Kaya during that time wala muna akong sinabihan. Kahit family ko, hindi nila alam for few months po. Naka-two to three months po ako, ‘yung grounds. Tapos nagpalipad na ako nitong March,” kuwento pa niya sa amin.

Hindi sinabi agad ni Ronnie sa pamilya ang tungkol sa pag-aaral niya na maging piloto. Afraid siya na baka hindi siya pumasa, at least, siya lang daw ang nakakaalam.

Syempre, very proud ang family niya nu’ng nalaman nila na nagpapalipad na ng eroplano si Ronnie, “Sabi nila, ‘Wow, congratulations!’ Although, I wish na sana, ‘yung mom ko kasi wala na. Kinuha na ni Lord. Ang sarap lang ng pakiramdam na matutupad mo ‘yung matagal mo nang pangarap.”

Ngayon pa lang ay super excited na si Ronnie na umupo sa cockpit ng eroplano.

“Before kapag may out of town show, tinitingnan ko ‘yung cockpit ng sinasakyan naming eroplano, kung saan umuupo ang mga piloto. Sinasabi ko sa sarili ko, ‘Uupo rin ako diyan.’ At ako ‘yung magsasalita ng ganito, ‘This is the Captain, we’re cruising at 35,000 feet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘We’re inviting everyone to download and stream my song on Spotify. Or kakanta ako, ‘Sa ‘iyong ngiti….’ Tapos sa screen, movies or MTV ko ang pinapalabas,” pag-i-imagine pa ni Ronnie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending