Kiray: Nabigyan din ako ng importansya sa ABS-CBN, pero...  | Bandera

Kiray: Nabigyan din ako ng importansya sa ABS-CBN, pero… 

|April 14,2019
facebook
share this

Kiray: Nabigyan din ako ng importansya sa ABS-CBN, pero… 

- April 14, 2019 - 06:47 AM

KIRAY CELIS

TUMATANAW pa rin ng malaking utang na loob si Kiray Celis sa ABS-CBN kahit na nasa GMA na siya.

In fairness, mula nang lumipat siya sa Kapuso Network, hindi na siya nawalan ng trabaho. Sunud-sunod ang mga projects niya.

Ang latest nga ay ang bagong primetime series na Love You Two kasama sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

“I love being Kapuso! Ha-hahaha! I’m very happy being Kapuso!” masayang-masayang pahayag ng komedyana. Feel na feel ni Kiray ang pagmamahal at importansiyang ibinibigay sa kanya ng GMA.

“Nabigyan din naman po ako ng importansiya doon (ABS-CBN). Kaso, parang love, hindi nagla-last. Of course, napansin ko kasi every time na nakikita ako sa TV sa kabila ay nagpo-promote na lang po ako ng pelikula.

“Which is for me, hindi naman ano, part yun ng pelikula ko, hindi yun part ng trabaho ko bilang kasali ako sa network na ‘yon. Yes! Happy ako, kasi, hindi ako magiging si Kiray kung hindi po dahil sa kabila.

“Happy ako, kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi ko rin mailalabas kung ano man yung kaya kong ibigay ngayon, kung nasaan ako ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Pero kailangan ko ring mag-grow, kasi feeling ko, hindi na ako bumabata.

“Twenty-four na ako and binigyan ako ng chance ng GMA, ng Artist Center, para mas maipakita ko pa kung ano ang kaya kong gawin. And hindi lahat, nabibigyan ng opportunity para sa ganoong artista. So, ginrab ko na,” paliwanag pa ni Kiray.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, matipid pa rin ang sagot ng dalaga pero inamin niya na two years na sila ng kanyang boyfriend na businessman. Hindi naman daw sa itinatago niya ang kanyang dyowa pero non-showbiz daw kasi ito kaya huwag na lang pag-usapan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending