Chris Tiu agree sa ipinaglalaban nina Shaira at EA: Kasal muna bago sex
TULAD ni Shaira Diaz, naniniwala rin ang TV host at professional basketball player na si Chris Tiu sa pinaiiral na kaugalian ng ilang Pinoy na “kasal muna bago sex.”
Super agree raw si Chris sa sinusunod ng mga babaeng tulad ni Shaira na magpakasal muna sa kanilang mga dyowa bago ang pagsisiping o pagla-lovemaking.
Napag-usapan kasi ang tungkol sa “celibacy” nang mag-guest sina Chris at Shaira sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Baka Bet Mo: Shaira, EA pinag-uusapan na rin ang kasal, pero ipon-ipon muna
“I am also very Catholic and I get my guidance from my parents as well,” ang pahayag ni Chris nang tanungin ni Tito Boy kung ano ba ang pananaw niya sa usaping “no sex before marriage.”
“Same thing with my wife. We believe that you should save your most intimate self for your partner, the one that you have chosen to spend the rest of your life with, with the union blessed by God,” ang sey pa ng host ng “iBilib” sa GMA 7.
Muling ibinandera ni Shaira sa buong universe ang pinaiiral nila ng kanyang boyfriend na si EA Guzman sa kanilang relasyon, ito ngang tinatawag na “celibacy” o pag-iwas sa sex dahil hindi pa sila kasal.
“Ako gusto ko talaga dahil naniniwala ako at ino-honor ko talaga po ‘yung mga binigay kong salita sa magulang ko, ‘yung mga binigay nila sa aking advice,” ani Shaira.
View this post on Instagram
“And siyempre sa Bible rin po. ‘Yun naman talaga, na dapat walang ganito before marriage,” sey pa niya.
Pero paglilinaw ng co-host ni Chris sa “i-Bilib”, “Wala talaga akong against sa mga hindi gumagawa noon. Siguro sa akin talaga choice ko talaga na gusto ko na i-save ‘yon sa pagkakasal namin.”
Samantala, napag-usapan din sa show ang tungkol sa usaping pera sa pagitan ng mag-asawa.
Sey ni Chris, may planning session daw sila ng kanyang wifey na si Clarisse Ong tuwing simula ng taon para mapag-usapan ang kanilang gastusin at budget.
“Madalas doon nagsisimula ‘yung mga away ng mag-asawa, so pinag-uusapan na namin and nag-a-align na kami start ng year pa lang,” chika ni Chris.
Nagpakasal sina Chris at Clarisse noong 2013 sa Vancouver, Canada at biniyayaan sila ng dalawang anak – sina Amanda at Mari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.