San Miguel Beermen giniba ang Phoenix Fuelmasters sa semis opener

By Melvin Sarangay April 13,2019
share this

San Miguel Beermen giniba ang Phoenix Fuelmasters sa semis opener

By Melvin Sarangay April 13,2019
share this

SINANDALAN ng defending champion San Miguel Beermen ang matinding ratsada sa ikalawang yugto para tambakan ang Phoenix Pulse Fuelmasters, 100-88, sa Game One ng kanilang 2019 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals series Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Pinamunuan ni Alex Cabagnot ang opensiba ng Beermen sa ginawang 26 puntos.

Nagdagdag naman sina Marcio Lassiter at Chris Ross ng tig-14 puntos habang si Christian Standhardinger ay kumamada ng double-double na 12 puntos at 16 rebound para sa San Miguel Beer.

Nanguna si Matthew Wright para sa Fuelmasters sa ginawang 22 puntos habang si Calvin Abueva kumana ng double-double sa itinalang 18 puntos at 21 rebound.

Nag-ambag naman sina Alex Mallari at RJ Jazul ng tig-11 puntos para sa Phoenix Pulse.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending