Ai Ai sa Ex-B: Mabubuwisit ka pero mamahalin mo pa rin sila | Bandera

Ai Ai sa Ex-B: Mabubuwisit ka pero mamahalin mo pa rin sila

Ervin Santiago - April 13, 2019 - 12:40 AM

EX-BATTALION, AI AI DELAS ALAS AT KYLIE VERSOZA

Speaking of “Sons Of Nanay Sabel,” magbabalik-pelikula nga si Ai Ai bitbit muli ang kanyang kakaibang “motherly love” na siguradong magpapakiliti at kukurot sa inyong mga puso.

Gaganap si Ai Ai bilang si Sabel, dating bartender na nakatakdang ikasal sa isang prinsipe. Ngunit nalaman ng prince na iniwan niya ang kanyang anim na anak sa bahay-ampunan kaya hindi na natuloy ang kanilang kasal.

Dahil dito, isa-isang hahanapin ni Sabel ang kanyang mga anak para mabuo uli ang kanyang pamilya. Ang mga anak ni Sabel ay gagampanan ng mga miyembro ng Ex B.

Sina Bieber (Daryl) at Justin (Archie) ay parehong inampon ng mayamang businessman at lumaki sa pangangalaga ni Yaya Bona (Jon Santos); si Troll Montero (King Badger) ay inampon naman ng isang barbero; sina Baby James (James) at EZ (Mark) ay parehong inampon ni Lola Narcisa; at si Bhoy (Rhenn) ay napunta naman sa malupit na mag-asawa.

Magiging riot ang pagsasama-sama muli ni Sabel at ng kanyang mga anak sa iisang bahay. Ngunit muling susubukin ang magkakapatid sa pagdating ni Helen (Kylie Versoza), ang babaeng pag-aagawan nila.

Mapanatili pa kaya ni Sabel ang pamilyang pinaghirapan niyang buuin o pagsisihan sa bandang huli kung bakit hinanap pa niya ang mga anak?

Ang “Sons Of Nanay Sabel” ay sa direksyon ni Dado Lumibao mula sa Viva Films. Showing na ito sa May 1. Mapapakinggan din sa pelikula ang mga bagong kanta ng Ex Battalion tulad ng “Sama-Sama”, “Huwag Siya” at “Bagong Umaga”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending