Jessy: Gusto ko may ginagawa kahit mommy na ako
NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ni Jessy Mendiola ang pagiging wife and mommy.
Sakaling mag-propose ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano sa kanya ay isang nagsusumigaw na “yes” daw ang kanyang isasagot.
At bilang preparation sa pagpasok sa panibagong yugto ng kanyang buhay at sa pag-level up ng relationship nila ni Luis, pinasok na rin niya ang mundo ng pagnenegosyo.
Sa panayam kay Jessy ng Tonight With Boy Abunda, natanong siya kung “exit plan” na ba niya sa showbiz ang pagiging businesswoman. Tugon ng aktres, “It’s not naman. I’m just preparing for the future.
“I want something to do kapag mommy na ako. Puwede mong gawin at home inaalagaan mo ang babies and all,” aniya pa.
Anytime raw ay ready na siyang maging asawa ni Luis at maging nanay ng kanilang mga magiging anak.
Aniya pa, may wedding plans na rin sila pero hindi pa naman ito detalyado.
Samantala, nagiging maingay na rin sa social media ang kanyang pagiging vloger.
“I wanted to explore, kasi di ba, hindi naman ako masyadong nakikita o napapanood ngayon sa TV and puro movies yung ginagawa ko, bakit kaya hindi ko i-try,” aniya tungkol sa pagpasok niya sa mundo ng vlogging. “Nakakatuwa kasi sobrang love ko ang vlogging ngayon,” aniya pa.
“I’m really happy na I could tackle anything under the sun. Yung content namin, yung topics namin ako din yung nag-iisip,” sabi pa ng girlfriend ni Luis.
All out din ang support sa kanya ni Luis pagdating sa pagiging vloger, “Luis is very supportive of my vlogging. Siya din yung videographer ‘pag nasa ibang bansa kami.”
May 93,000 followers na siya sa kanyang vlog sa loob lang ng three months.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.