Reelectionists dinomina ang senatorial survey; Poe nangunguna pa rin
NANGUNGUNA pa rin ang mga reelectionist senatorial candidates sa survey ng Pulse Asia noong Marso, kung saan nasa solo lead si Sen. Grace Poe, na nakakuha ng 72.6 porsyento.
Siya ay sinundan ni Sen. Cynthia Villar na may 63.7 porsyento.
Pangatlo naman si Sen. Sonny Angara (58.5 porsyento) na sinundan ni dating Special Assistant to the President Bong Go (55.7 porsyento).
Panglima naman si House deputy speaker Pia Cayetano (52.2 porsyento) na sinundan ni dating Sen. Lito Lapid (48.4 porsyento).
Sumunod naman sina Sen. Nancy Binay (45.5 porsyento), dating PNP Chief Bato dela Rosa (44.8), dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., (40.9), Ilocos Norte Rep. Imee Marcos (39), dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino (35.7), dating Sen. Jinggoy Estrada (35.2), Sen. Bam Aquino (33.8), Sen. Koko Pimentel (33.6), dating Sen. Serge Osmena (33.0), at dating Sen. Mar Roxas (31.3).
Ang survey ay mayroong error of margin na plus/minus 2.3 porsyento kaya lagpas sa 12 ang pumasok sa Magic 12. Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents.
Sumunod naman sina Sen. JV Ejercito (28.1), dating Sen. Juan Ponce Enrile (19.6), Maguindanao Rep. Dong Mangudadatu (13.8), broadcaster na si Jiggy Manicad (11.5), at Dr. Willie Ong (11.2).
Ang mga sumunod ay nasa single digit na ang nakuha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.