John Lloyd wala pa ring balak bumalik sa pag-arte, gagawa lang ng commercial | Bandera

John Lloyd wala pa ring balak bumalik sa pag-arte, gagawa lang ng commercial

Ambet Nabus |April 07,2019
facebook
share this

John Lloyd wala pa ring balak bumalik sa pag-arte, gagawa lang ng commercial

Ambet Nabus - April 07, 2019 - 12:25 AM

JOHN LLOYD CRUZ

Kalat na kalat na nga ang balitang magbabalik na si John Lloyd Cruz sa showbiz na magsisimula sa isang endorsement para sa isang shawarma brand.

Dapat lang na samantalahin ng naturang food store ang ingay na nilikha ng unang paandar nila kung saan nasa isang poster si John Lloyd na tila may hinihintay.

At dahil mismong si papa Piolo Pascual na ang personal na nag-post sa kanyang Instagram account ng nasabing poster ay mas marami ang naniwala na magbabalik na sa limelight ang partner ni Ellen Adarna.

Pero ang tanong, ituluy-tuloy naman kaya ni Lloydie ang kanyang pagbabalik sa muling pag-arte o hanggang pag-e-endorse pa lang ang gusto niyang gawin sa ngayon? Siya lang ang makakasagot niyan.

Baka naman kasi tinanggap niya lang ang bago niyang endorsement para kumita uli dahil nga may anak na sila ni Ellen pero wala pa rin sa plano niya ang bumalik sa akting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending