Ai Ai: mag-ingat kayo sa magnanakaw na babaeng 'to! | Bandera

Ai Ai: mag-ingat kayo sa magnanakaw na babaeng ‘to!

Bandera |April 05,2019
facebook
share this

Ai Ai: mag-ingat kayo sa magnanakaw na babaeng ‘to!

Bandera - April 05, 2019 - 12:05 AM

AI AI DELAS ALAS

IBINANDERA ni Ai Ai delas Alas ang litrato ng isang babae sa kanyang Instagram account na tinawag niyang magnanakaw.

Binalaan ng Kapuso TV host-comedienne ang publiko na mag-ingat sa nasabing babae dahil baka patuloy itong makapanloko gamit ang modus nito.

Kuwento ng komedyana, ang babae sa litrato ay caregiver ng kaniyang ina at sa kabila raw ng kabutihan na ipinakita nila rito ay nagawa pa ring pagnakawan ng alahas at pera ang nanay niya.

“MAG INGAT KAYO SA MAGNANAKAW NA BABAENG TO,” unang bahagi ng caption ni Ai Ai sa kanyang Instagram post.

Pagpapatuloy pa ng Comedy Queen, “Naging caregiver ito ng nanay ko and nagnakaw sa nanay ko ng alahas at pera ngayun.. and inimbistagahan ngayun ng pulis may kaso na din pala sya dati na nag nakaw sa kapitbahay namin at lumipat ng ibang agency.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, humingi pa ng tulong si Ai Ai sa kanyang followers na kung meron silang nalalaman tungkol sa nasabing caregiver ay agad ipaalam sa kanila. Nagbigay pa ng cellphone number si Ai Ai para doon itawag ang makukuha nilang impormasyon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending