Empress bagong leading lady ni Cesar: Nakakakaba! | Bandera

Empress bagong leading lady ni Cesar: Nakakakaba!

Julie Bonifacio - April 04, 2019 - 12:10 AM


PUNONG-ABALA si Empress Schuck sa pag-estima ng mga bisita at customer na bumibili sa bagong bukas at kauna-unahang franchise branch ng kanyang refreshment business na King’s Cup sa Farmer’s Mall sa Cubao, Quezon City last Sunday.

“This is one of the few businesses lang na gusto kong gawin. May iba pa. Pero eto kasi at least, nandiyan si Andrei (Lim, her business partner and King’s Cup co-owner), although, hands-on din naman ako. Pero siyempre on this part siya ‘yung mas nakakaalam talaga,” ani Empress sa opening ng kanyang negosyo.

Super good friend ng boyfriend at ama ng anak ni Empress na si Vino ang business partner niyang si Andrei. Magkaklase sina Vino at Andrei sa De La Salle University noong college.

“Sabi ni Vino may ipi-pitch si Andrei. Sabi ko, ‘Sige, tingnan natin.’ E, sakto naman sobrang init sa Pilipinas. Tapos sakto, summer ilo-launch na siya. So, saktung-sakto ‘to na frappe, milk tea, all in one na siya,” lahad ng aktres.

Biniro namin si Empress na kakalabanin niya ang milk tea business ng magkapatid na Toni and Alex Gonzaga.

“Uy, ano naman, friendly competiton naman. Oo, saka marami rin kaming ino-offer na wala sa kanila. Meron din naman sila na wala kami. Pero, I’m sure suportahan lang kami. Hindi naman kami maglalaban-laban,” depensa ng aktres.

Bukod sa teleserye niya sa GMA, may dalawang pelikula rin na ginagawa ngayon si Empress, “Kaka-start ko lang ng movie with Direk Joel Lamangan last Saturday, ‘In The Name of A Mother.’ Si Ms. Snooky Serna ang bida. And then, I’m also doing a movie with Cesar Montano.”

Asawa ni Empress si Pancho Magno na anak ni Snooky sa movie ni Direk Joel, “‘Yung kay Cesar naman it’s about the story of Joel Apolinario, ‘yung dating mahirap na Pilipino. Pero ngayon successful na siya dahil sa pagpapahiram ng pera tapos may interest. And yes, ako po ang leading lady ni Cesar sa movie.”

Inamin ni Empress na kinabahan siya working with Cesar, “Nakakakaba kasi bakit ako? E, magkasama lang kami sa Bida si Mister, Bida si Misis. Tatay ko si Bentong doon. Kaibigan ni Cesar si Bentong sa show.

Pero syempre kahit paano, ten years old lang ako noon. Pero na-achieve naman. Okey naman.”
Hindi pa sure ni Empress kung may kissing scene sila ni Cesar sa movie. Biniro namin siya na baka ligawan siya ni Cesar at ma-in-love naman siya sa aktor while doing the movie, “Ah, hindi naman. Alam naman niya (Cesar) ang sitwasyon ko. Ha-hahaha!”

Confident din si Empress na ‘di magseselos si Vino kay Cesar, “Tanggap niya na artista ako and very understanding si Vino and comes from a good family. Super kind ng family niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

With regards sa kasal, napag-uusapan naman daw nila ni Vino ang tungkol dito. Pero sadyang ‘di pa type ni Empress ang magpakasal, “Ayoko muna. Parang one step at a time. Parang ang bilis at ang dami-dami nang mga nangyayari sa buhay ko,” pahayag pa ni Empress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending