Janine naaksidente habang papunta sa taping ng Dragon Lady
Nabundol ang sasakyan ni Janine Gutierrez habang papunta sa taping ng Dragon Lady nitong nakaraang araw.
Naalog ang katawan ni Janine dahil sa impact ng pagbangga sa kanila. To the rescue agad ang father niyang si Ramon Christopher para alamin ang sitwasyon ng anak. Hindi naman nasaktan ang Kapuso actress kaya wala nang dapat ipangamba ang kanyang supporters.
Pero matapos mabangga ang kanyang sasakyan, dumiretso pa rin sa taping ng Dragon Lady si Janine na parang walang nangyari, huh! Ganyan siya ka-professional na artista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.