Dante Gulapa dance-alike contest hahataw sa TBATS; Jo Berry igigisa
NON-STOP laughter na naman ang hatid ng top-rating at laging trending na comedy show ng GMA tuwing Sunday, ang The Boobay And Tekla Show.
Dahil mainit pa rin ang “Dante Gulapa eagle dance” ilo-launch na nina Boobay at Tekla ang Dante Gulapa dance-alike contest sa TBATS stage. At siyempre, invited ang online sensation na si Dante Gulapa para personal niyang makilala ang mga contestants na nangangarap ding sumikat sa online world.
Samantala, ang breakthrough star na si Jo Berry ng hit Kapuso series na Onanay ang uupo sa hot seat para sa “Truth or Charot” segment kung saan makakasama niya in a very special role ang mga “anak” niya sa Onanay na sina Kate Valdez at Mikee Quintos.
At para naman sa wickedly funny na “Pranking In Tandem,” Boobay and Tekla will work with a sexy Kapuso star for yet another dose of laugh-out-loud hidden camera antics while interacting with unsuspecting ordinary folks.
And due to insistent public demand, Boobay and Tekla are bringing back “Ano sa English… ?” challenge kung saan hahamunin ang mga tao sa kalye na i-translate sa English ang mga Pinoy movies! Dito talagang sasakit ang mga panga n’yo sa katatawa.
And finally sa “Dear Boobay and Tekla,” isang letter sender na laging walang kuryente sa bahay ang nagtanong ng, “Alin ba ang dapat maging priority: love life o kuryente?” Alamin kung ano ang ibibigay na advice sa kanya nina Boobay at Tekla.
Lahat ng ‘y’an huwag palalampasin sa isa na namang nakakabaliw at nakakawindang na episodeng The Boobay And Tekla Show tonight after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.