Female celeb tinamad nang magtrabaho mula nang maging dyowa si male star
NAPAKAILAP ng isang pamosong female personality sa mga lalaking nagpaparamdam sa kanya. May mga gustong manligaw sa kanya, pero agad siyang nagpapakita ng kawalan ng interes, kaya hindi na lang tumutuloy ang mga ito.
Pero mukhang sinuntok ng malakas ni Kupido ang puso ng sikat na babaeng personalidad. Nakatagpo siya ng lalaking nakasungkit sa mapili niyang puso.
Kuwento ng aming source, “Nakatapat siya ng kasukat niya, hindi na siya nakapalag, talagang sila ang magkabagay. Matapang kasi ‘yung lalaki, walang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao, kaya humanga rin sa kanya ang girl na equally matapang din.
“Walang pagdadalawang-isip na naging magkarelasyon ang dalawa, kaso nga lang, napakaraming kumokontra sa relasyon nila. Pero walang problema, deadma lang sila, ano nga naman ang pakialam ng ibang tao, e, napakasaya nila ngayon?
“Mukhang ewan lang ang mga humaharang sa relasyon nila, walang pakialam ang guy sa mga bashers niya, sa totoo lang! Ang girl, e, ganu’n din, may sariling disposisyon ang babaeng ‘yun!” kuwento ng chikadora naming impormante.
Maraming nakakapansin na mula nang maging magkarelasyon na ang magaling na aktor at ang pamosong female personality ay mukhang tinatamad na sa kanyang career ang babae.
“Nakasentro lang yata ang utak niya sa lovelife niya, mukhang sige-sige na lang para sa kanya ang career niya. ‘Yun ang napapansin ng mga katrabaho niya, tinatamad na siyang magtrabaho, parang ang gusto niya na lang, e, ang palagi silang magkasama ng boyfriend niya.
“May mga nagsasabi tuloy na bad influence sa career niya ang guy, mukhang sa halip na maging inspiration siya ng girl, e, naging desperation pa sa kanyang work.
“Pero kuwento-kuwento lang daw ‘yun, sabi ng isang close sa magkarelasyon, ibang-iba nga raw ang saya ngayon ng girl tuwing dumarating siya sa set ng sitcom nila. Inspired kuno ang girl!
“Siguro naman, e, wala na kayong kailangang clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, dahil bigay na bigay na kung sinu-sino sila!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.