Aktres matindi kung magselos kaya hiniwalayan ni male celeb | Bandera

Aktres matindi kung magselos kaya hiniwalayan ni male celeb

Reggee Bonoan - March 28, 2019 - 12:28 AM

KAYA naman pala hindi nagtagal ang relasyon ng kilalang aktor sa isang female celebrity ay dahil wala silang ginawa sa buhay kundi mag-away.

Hindi malaman ng aktor kung dahil sa age gap nila o papansin ang dahilan ng aktres kaya sila laging nagkakatampuhan hanggang sa nagdesisyon na nga silang  maghiwalay na lang.

Sadyang maraming kaibigang babae si aktor maski naman noon pang estudyante pa lang siya sa kilalang unibersidad ay palakaibigan na talaga siya at nagkataon na ang mga babaeng ito ay pumasok din sa showbiz kaya tuloy ang magaganda nilang samahan.

Heto na ang tsika, ang aktres na ex-GF ni aktor na nakatrabaho niya sa isang proyekto ay pinagselosan ang lahat ng babaeng nakikitang kasama niya at kung anu-anong pinagpo-post dahil sila pa raw ng aktor ay niloloko na siya dahil nga nakita niyang kasama nito ang mga babaeng kaibigan niya noong college days pa.

Nakakaaliw ang aktres dahil binigyan pa niya ng justification ang paghihiwalay nila ng aktor na ang tunay na dahilan pala ay siya mismo dahil hindi mga masakyan ang kanyang ugali.

Tanda namin kung anu-anong dahilan din ang pinagsasabi ng aktres kaya naghiwalay din sila ng isang aktor na halos kasing edad niya. Ang sabi ng mga nakakakilala sa dalaga, “Papansin kasi ‘yan at feeling maganda.”

Well, abangan na lang natin kung sino ang susunod na boyfriend ng aktres at kung magtatagal ba sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending