NAKALAAN sa mga Pilipino ang bahagi ng 350,000 bakanteng trabaho sa Japan na io-offer sa mga banyangang manggagawa.
Magsisimula ang pagkuha sa mga Pinoy sa susunod na buwan kung kailan papayagan na ang bagong residence status sa mga foreign workers
Kabilang umano ang mga skilled Filipino workers sa mga nasyonal na pipiliin ng Japan para sa mahigit 100,000 bagong trabaho o 30 posryento na bubuksan para sa mga karatig-bansa sa Asya.
Nakatakdang lagdaan sa Tokyo sa Martes ang memorandum of cooperation, na magtatakda para sa pagde-deploy ng mga manggagawa, sa pagitan ng labor department at ng Ministry of Justice, Foreign Affairs, Health, Labor and Welfare at ng National Police Agency ng Japan.
Ang cooperation agreement ay hindi lamang magbibigay ng magandang oportunidad, ito rin ay magpapalakas sa proteksyon ng skilled Filipino worker na made-deploy sa Japan.
Ito ay sa pamamagitan ng basic framework na magpapatupad sa maayos na mekanismo ng pagpapadala, pagtanggap, at ang pangangasiwa sa matitirahan ng mga padating na specified skilled worker sa Japan.
Sa nakasaad sa kasunduan, ang specified skilled worker ay iyong may tiyak na kakayahan at nakatanggap ng residence status mula sa pamahalaan ng Japan.
Kabilang sa mga specified skills ay ang mga nasa health care, building maintenance, food services, industrial machinery, electronics, food manufacturing, agriculture, hospitality, construction, shipbuilding, fisheries and aquaculture, parts and tooling at aviation.
Sa ilalim ng kasunduan, ang mga bahagi ng kooperasyon ay ang pag-streamline ng recruitment process, pagsuri ng mekanismo sa pagtanggap at pagsuporta sa mga organisasyon ng specified skilled worker, pagsubaybay at pangangasiwa sa implementasyon ng sistema, pagbabahagi ng impormasyon; pagtatatag ng joint committee sa pagresolba ng mga usapin at ang patuloy na pagsasaayos ng sistema; pangangasiwa ng pagsusulit; at pagtataas ng kagalingan at proteksiyon ng manggagawa.
Naatasan ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa pagproseso at akreditasyon; at ang Philippine Labor Overseas Labor Office (POLO) -Japan sa beripikasyon ng mga dokumento ng manggagawa, onsite coordination at usaping pangkagalingan.
Ang National Reintegration Center for OFWs (NRCO), sa kabilang banda, ang mangangasiwa para sa reintegrasyon ng mga babalik na specified skilled worker.
Tim Laderas
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.