Bakit si Alden ang nanega sa pag-amin nina Maine at Arjo? | Bandera

Bakit si Alden ang nanega sa pag-amin nina Maine at Arjo?

Ambet Nabus |March 25,2019
facebook
share this

Bakit si Alden ang nanega sa pag-amin nina Maine at Arjo?

Ambet Nabus - March 25, 2019 - 12:05 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

Kawawa naman si Alden Richards.

Imadyinin na lang natin ang pressure sa binata sa bawat pagkakataon na kasama niya si Maine Mendoza.

Dahil nag-out of the country tour nga ang tropang Eat Bulaga recently (sa Israel) normal siyempre ang mga social media posting o stories na lumalabas.

Eh, sa ilang pagkakataon yata ay nakikita sina Alden at Maine na may kani-kaniyang kasama o ka-body-body. Na kesyo naiispatan lang si Alden na lumalapit o sumasama kay Maine kung kasama ang iba pang Eat Bulaga Dabarkads.

Kaya hayun, pi-nuputakte ng kanegahan si Alden at kinukuwestyun ang pagiging “gentleman” nito pati na umano ang pagiging “user” nito sa loveteam nila ni Maine.
Nakakaloka dahil nu’ng si Maine ang ma-involve kay Arjo Atayde, ang huli ang naging laman ng mga batikos.

Ibang klase talaga ang mga supporter ng AlDub o baka naman mga pariwarang netizen lang ang mga ito na walang nakikitang positibo sa buhay nila kaya nangdadamay ng kapwa. Ha-hahaha!

Going back to Alden, tama lang sigurong sa harap na lang sila ng kamera maging sweet ni Maine dahil “work” yun. Pero sa mga ganu’ng tour moments kung saan may freedom silang magpakatotoo, mas safe na yung tropa-tropa silang magsaya, kesa sa silang dalawa lang.

Lalo na nga’t lantaran na ang relasyon nina Maine at Arjo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending