‘Sahaya’ ng BiGuel trending agad sa socmed; Jasmine pinuri ng netizens bilang Badjaw
BUMUHOS ang papuri sa social media at naging top trending topic din sa Twitter ang pilot episode ng GMA Telebabad series na Sahaya.
Ayon sa cast members ng serye, sulit na sulit ang paghihirap at pagsasakripisyo nila para sa Sahaya dahil sa nababasa nilang good reviews mula sa mga netizens at mga Kapuso viewers.
Sabi ng lead star ng Sahaya na si Bianca Umali, “Masayang-masaya po ako na so far, puro magagandang comments ang nakakarating sa akin. Sana huwag silang bibitiw mula simula hanggang ending.”
Ayon naman kay Benjamin Alves na gumaganap bilang Aratu, “It’s nice to be part of the show that’s really well-produced, well-prepared and ‘yung story it’s really meaningful.”
Inamin naman ni Bianca na dahil sa napakainit na pagtanggap ng manonood sa kanilang programa mas napi-feel ng buong cast at production ngayon ang pressure kaya mas pagbubutihan pa raw nila ang bawat episode ng kwento ni Sahaya.
“I think mas may pressure po na ganun and it’s also the expectations of the people. Not only ‘yung expectations nila but also the expectations we’ve set for the show we’re making,” pahayag ni Bianca na mas sensual at medyo daring na sa nasabing serye kung saan katambal pa rin niya si Miguel Tanfelix na game na game na ring magpasilip ng kanyang katawan.
Isa pang pinuri ng manonood sa Sahaya ay ang pagganap ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis bilang young Manisan na magiging si Mylene Dizon sa pagpapatuloy ng kuwento.
Sa unang episode pa lang ng epic dramaserye ng GMA ay agaw-eksena na agad ang dalaga. Bagay na bagay daw sa kanya ang gumanap na Badjaw dahil sa kanyang kayumangging balat. Lutang na lutang din daw ang ganda ni Jasmine kapag suot ang Badjaw dress.
Narito ang ilang comments ng netizens sa pagganap ni Jasmine sa Sahaya.
Sey ni @supremekapuso, “Ang galing umarte ni Jasmine! Nakakaloka! Give us more of that indie-level performance! I love it!!!”
“I love how Jasmine Curtis Smith play her role. Needless to say, she’s beautiful!” komento ni @VillanuevAdrian.
Ito naman ang sey ni @KapusongKim, “Congratulations sa inyong lahat! Looking forward to mor superb acting. I love the story. 100k clap! Special mention to Jasmine!”
Ayon naman kau @butrscotch, “#Sahaya parang bagay si jasmine Curtis Smith at Gil Cuerva. May chemistry sila at maganda ang mukha nila on screen. Sana gawan sila ng teleserye na sila bida. Promise bagay sila.”
Patuloy na tutukan ang makulay, madrama at exciting na kuwent ni Sahaya, pagkatapos ng Kara Mia sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Gil Cuerva, Zoren Legaspi, Snooky Serna, Migo Adecer, Eric Quizon at marami pang iba, sa direksyon ni Zig Dulay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.