HINDI napilit ni Angelica Panganiban si Vice Ganda na ibandera sa madlang pipol ang identity ng kanyang boyfriend.
Pero diretsahan niyang inamin sa Gandang Gabi Vice last Sunday na totoo ngang may dyowa siya at masayang-masaya ang kanyang puso ngayon.
Ang pag-amin ng TV host-comedian ay nangyari sa “Shot or Answer” segment ng GGV the other night kung saan si Angelica ang special guest.
Dito, nabigyan ng chance ang aktres na magtanong kay Vice ng controversial questions. Maaaring hindi sagutin ni Vice ang tanong pero kailangan niyang inumin ang mixed drink na inihanda ng production.
Sa huli diretsong tinanong ni Angelica si Vice ng, “May jowa ka ngayon, ‘noh?” Na sinagot niya ng, “Ay, taray! Sinagot din talaga. ‘May jowa ka ngayon, noh?’ Yun yung budol! Yung tanong mo, sinasagot mo din!”
Inulit ng dalaga ang question, “May jowa ka ngayon, ‘noh?” Na sinagot ng Showtime host ng, “Oo!” Kasunod nito ang malakas na sigawan sa studio ng GGV.
Sunod na tanong ni Angelica, “So, sino?” Sandaling natigilan ang komedyante sabay sabing, “Kilala mo, di ba? Pina-meet ko na sa iyo, di ba?”
Ulit ni Angge, “Sino?” Tugon ni Vice, “Siya na yon!”
“Matagal na ba kayo? Paano kayo nagkakilala?” hirit uli ng aktres. Sagot ni Vice, “Four months na kami!” Tilian uli ang audience sabay sigaw ng pangalan ni Kuya Escort na si Ion Perez.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin inamin ni Vice kung si Ion nga ang tinutukoy niyang boyfriend ngayon kaya nabitin ang madlang pipol. Sa mga nabasa naming comments mula sa netizens, may mga nagbabala kay Vice na mag-ingat kay Ion dahil mukhang gagamitin lang daw siya nito.
May mga fans naman si Vice na nagsabi na suportado nila ang lovelife ng komedyante, kung saan daw masaya ang TV host so be it. Naniniwala sila na matalino si Vice at hindi siya basta papayag na maloko ng isang lalaki.
Kamakailan, kumalat sa social media ang ilang litrato na kuha sa taping ng GGV kung saan nag-guest sina Charo Santos at Bea Alonzo. Dito raw umamin sina Vice at Ion about their relationship.
Inaasahang ipalalabas ito next week kaya abangers na ang madlang pipol kung totoong inamin ni Ion on national TV na siya ang karelasyon ngayon ni Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.