Kahit walang tumulong tubig sa gripo, kustomer magbabayad pa rin
KAHIT na walang tumulong tubig sa gripo, magbabayad pa rin ang mga kustomer ng Manila Water ng minimum na P150 kada buwan.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate talo ang mga kustomer na pagbabayarin pa rin kahit hindi naman nabigyan ng maayos na serbisyo.
“Are you willing to refund the consumers? Malinaw na talo sila dito. Walang tumutulong tubig pero magbabayad pa sila ng minimum amount,” ani Zarate.
Bilyon-bilyon ang kita ng Manila Water pero pumapalpak pa rin umano ang serbisyo nito at ang nakakalungkot ay maaari namang gawan ng maagang solusyon ang problema.
“Dapat talagang papanagutin ang Manila Water at MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System) sa nangyaring ito at para masiguro na di ito mauulit. Heads should roll for their grave incompetence that is bordering on the criminal. Their apologies are welcome but they must also be held accountable, the responsible Manila Water officers should resign and the current ‘captured’ regulators should be replaced,” dagdag pa ni Zarate.
Sinabi naman ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na nakalulungkot na inaamin ng MWSS na inutil ito sa pagpaparusa sa kapabayaan ng Manila Water.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.