True ba, Kuya Escort hinahanting ng beki, may utang daw na P100K?

True ba, Kuya Escort hinahanting ng beki, may utang daw na P100K?

Julie Bonifacio |March 16,2019
share this

True ba, Kuya Escort hinahanting ng beki, may utang daw na P100K?

Julie Bonifacio | March 16,2019 - 12:20 AM

ION PEREZ AT VICE GANDA

PANAHON na ba para i-celebrate ang kakaibang pagmamahalan?

May pa-hashtag #LoveWins kasi ang mga litratong kumalat sa social media na kuha sa taping ng Gandang Gabi Vice. Doon ay inamin na raw ni Vice Ganda ang tunay na relasyon nila ni Kuya Escort na si Benigno “Ion” Perez.

Ayaw muna naming mag-jump into conclusion na ang sinasabing “relasyon” nina Vice at Ion ay as in mag-dyowa na. Unang-una hindi namin sure kung sinu-sino ang mga nag-post sa social media ng tungkol sa sinasabing pag-amin ng dalawa.

And besides, nagkalat ang FAKE NEWS sa social media, ‘di ba? Kaya ayaw naming makuryente, ‘noh! Pero grabe naman ang mga nabasa naming comments ng netizens sa mga naglabasang post tungkol kina Vice at Ion.

Isa na rito ang pahayag ng isang nagngangalang Leria Workman na nagsabing para sa kanya ay kawawa raw si Ion dahil sa pagpatol niya kay Vice na tinawag pa niyang “bakla” at “old”.

At ang isa pang rason kung bakit ayaw naming pa-tulan ang isyu kina Vice at Ion ay dahil sa pinaiiral na rules and regulations ng management. Sa pagkakaalam kasi namin may RULE ek-ek sa Showtime na bawal magkaroon ng romantic involvement sa pagitan ng mga host. Kasi nga, ang paandar nila they are one big happy family. Anyare?

Well, just for the sake of discussion na kung sila na talaga, ang bilis namang kumalat ang mga hindi kagandahang tsika about Ion. Usap-usapan sa isang showbiz umpukan ang mga nakakawindang na kwento about Kuya Escort.

May tsika na hinahanting diumano ang binata ng isang beki na pinagkakautangan nito ng P100,000. True kaya ‘to?

And if ever ngang totoo ito, siguro naman ay matutulungan na si Ion ni Vice na i-settle ang kanyang pagkakautang, ‘di ba? O, pwede ring may naiinggit lang sa kanya kaya ginagawan ng mga malilisyosong kuwento para ma-turn off si Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending