Alden, Maine kanya-kanyang paandar sa Holy Land; walang litrato na magkasama | Bandera

Alden, Maine kanya-kanyang paandar sa Holy Land; walang litrato na magkasama

Jun Nardo - March 15, 2019 - 12:25 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

AWRA kung awra agad si Maine Mendoza pagdating sa Holy Land sa Israel.

Nagpakuha siya ng picture sa isang lugar na ang nakalagay na location ay “Ceasarea Aqueduct” na kanyang ibinandera sa Instagram.

May collage ding lumabas sa social media ng ilang pictures ng pagdating niya sa Israel kasama ang ilan pang Eat Bulaga Dabarkads at TAPE executives.

Gumawa rin ng hashtag sa Twitter ang kanyang fans, ang #MaineAtTheHolyLand at pina-trending nila uli ito. As of press time ay nakakuha na ito ng mahigit 15.3K tweets.

Hindi rin nagpatalbog ang supporters ng Pambansang Bae na si Alden Richards gamit ang hashtag na #ALDENBlesedJourney. Pero may sarili ring hashtag ang AlDub Nation na inalala naman ang 191st weeksary ng phenomenal loveteam.

Sa mga litratong naglabasan sa social media accounts ng Eat Bulaga Dabarkads na kasama sa Israel, wala kaming nakitang magkatabi sina Alden at Meng, huh!

Pero in fairness naman kay Alden, may nakita kaming mga photos niya kasama ang mga fans na talagang nag-abang sa kanya sa airport sa Manila.

Basta sa impormasyong nakuha namin, bibida sina Alden at Meng sa isa sa episodes ng EB Lenten Drama Specials na mapapanood ngayong Abril. At doon nga ito kukunan sa Holy Land. Sosyal, di ba?

Missing in action naman sa mga picture ng EB Dabarkads sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Joey de Leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending