Tanong ng TBATS: Paano mo ita-translate sa English ang ‘Patayin Sa Sindak Si Barbara?’
WALA na talagang makakapigil pa sa tambalang Boobay at Super Tekla sa pagbibigay ng nakakatawa at pampa-good vibes na sorpresa tuwing Linggo ng gabi sa The Boobay And Tekla Show.
This week’s episode will open with a K-Pop-themed production number featuring Boobay and Tekla singing and dancing to the hugely popular Momoland song, “BAAM.” Sino kaya sa kanila ang tatanghaling Dancing Queen?
Makikigulo rin ang Inagaw Na Bituin lead star na si Kyline Alcantara bilang celebrity accomplice sa isa na namang nakakalokang edition ng “Pranking In Tandem.”
Sa LOL (laugh-out-loud) man-on-the-street segment “Ano sa English…” kailangang i-translate sa English ang ilang Pinoy movie titles. Paano nga ba isasalin ng mga Ka-TBATS sa English ang mga pelikulang “Patayin sa Sindak si Barbara,” “Huwag Kang Kikibo, Ako ang Hihipo,” “Ang Tatay Kong Nanay” at marami pang iba.
Boobay and Tekla will also introduce a new segment called, “Humanap Ka Ng Puppet.” Pipili sila ng dalawang miyembro ng studio audience na magsusuot ng “ventriloquist masks.” Ang galaw ng bibig ng maskara ay kokontrolin nina Boobay at Tekla at sila ang magsasalita para sa mga ito. Warning: hindi kayo titigil sa katatawa sa segment na ito.
Sa “Dear Boobay and Tekla,” isang basketball player na nagngangalang “Terrence,” ang magbabahagi ng kanyang problema sa lovelife. Hindi n’yo kakayanin ang magiging payo sa kanya nina Boobay at Tekla.
Lahat ‘yan mapapanood ngayong gabi sa The Boobay And Tekla Show sa GMA 7 after Kapuso Mo, Jessica Soho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.