Dingdong, Marian gabi-gabing nagrorosaryo at nagno-novena para sa kanilang baby boy
GABI-GABING nagnu-novena at nagrorosaryo sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para maging healthy at ligtas na maipanganak ang kanilang second baby.
Ito ang ikinuwento ng Kapuso Primetime King nang humarap sa entertainment media para sa pinakabago niyang endorsement, ang Persian Avenue na ginanap ito sa Atrium ng SM North Edsa, Annex kung saan matatagpuan ang isa sa pinakamalakas na branch ng nasabing food store.
Isa sa mga naitanong sa aktor ang tungkol sa pagbubuntis ng kanyang asawang si Marian Rivera sa kanilang first baby boy, pati na rin ang mga ginagawa ngayon ng panganay nilang si Zia bilang commercial model/endorser.
Hindi binanggit ni Dingdong kung kailan ang kabuwanan ni Marian, pero aniya malapit na malapit nang manganak ang kanyang misis.
“In a few weeks or almost a month. Medyo malapit-lapit na talaga kaya hindi na ako puwedeng masyadong lumayo-layo sa Metro Manila,” pagbabahagi ni Dingdong sa kundisyon ng GMA Primetime Queen.
Nang tanungin kung may pangalan na ang kanilang second baby, wala pa raw pero may mga pinagpipilian na sila ni Marian.
Gabi-gabi raw ay nagno-novena at nagdarasal ng Holy Rosary ang mag-asawa para sa ligtas na delivery ni Marian kaya naman naku-curious si Zia at nagtatanong kung bakit nila ginagawa ang ganu’n every night.
“Curious siya kung bakit ginagawa namin at bakit kailangan gawin yun, ipinapaliwanag namin. Nandoon yung curiosity niya para makinig at naiintindihan naman niya,” pahayag ni Dingdong.
Tinanong din ang Kapuso actor kung ano ang ginagawa nila ni Marian sa mga kinikita ni Zia bilang isa sa youngest celebrity baby product endorser.
“That’s hers. My duty is to protect and make sure that hindi maglaho yun. Kailangan mas dumami pa dahil sa kanya talaga yun,” ang pahayag pa ni Dong.
Samantala, tinanggap ni Dingdong ang offer ng Persian Avenue para maging celebrity brand ambassador dahil naniniwala siya sa produkto.
Sa katunayan, bago pa man siya pumirma ng kontrata sa fastest growing food company ng magkapatid
na Arjay at Paolo Lapid (mula sa Angeles, Pampanga) ay sinusuportahan na niya ang mga pagkain sa PA.
Ayon pa sa mister ni Marian, plano rin niyang kumuha ng franchise na may 44 branches na ngayon nationwide.
Sinabi naman nina Arjay at Paolo, bago matapos ang 2019, magkakaroon na sila ng 150 branches sa buong Pilipinas.
But wait, there’s more! Abangan din ang launching ng Persian Avenue Dance Craze dahil magkakaroon na rin sila ng jingle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.