Payo kay Kris: Huwag masyadong serious, matuto kang mag-enjoy
NAG-REACT si Lolit Solis sa bagong paandar ni Kris Something.
“Now, feel ko ang mababang tolerance ni Kris Aquino sa pain. Kung nun siguro nangyari iyon biruan nila Sec. Bong Go at Phillip Salvador hindi iyan papansinin ni Kris, baka tawanan niya lang.
“Pero now na parang ang dami niyang problema, siguro nga very sensitive siya. I feel bad for her kasi ang sense of humor ni Kris ok din, hindi naman iyan madaling mapikon, kaya medyo nabigla ako na nagalit siya sa biro ni Sec. Bong Go. Humingi na ng tawad at nagsabing hindi na uulitin si Kris never nagkaroon ng mean bone, but siguro nga iba ang feeling niya now.
“Medyo low nga siguro emotional state niya kaya medyo madali rin mag-react. Go back to your old self Kris, the laughing, easy going girl you used to be before. Take out your sadness, just be happy and carefree again. It will be yours again, just wait.”
Pero agad siyang sinopla ng isang basher who said, “Ang tanda tanda mo na, si-nungaling ka pa. Anung walang mean bone ang sinasabi mo e gusto nga nyang ipapatay si Nicko Falcis. Kung ako sayo manahimik ka na lang.”
Ang iba si Kris naman ang nilait-lait.
“Mas masama yang ginagawa ng idol mong narcissist. Dinadamay ang mga anak sa mga laban nya. WALANG binanggit na Joshua sa mga video nina Bong at Ipe. Si Kris lang nangdadamay kay Josh. For what? For PUBLIC SYMPATHY! Dahil nga naman lugmok na lugmok ang kanyang reputation after the revelations of Nicko Falsis. At kayo naman ay mga TANGANG naniwala sa mga paandar nitong master manipulator na si Kris!”
“Pwede mo naman sabihin na nabasa ni Josh kahit hindi. Sanay ka na humingi ng awa sa mga tao. Ako makikiusap sayo wag mo gamitin ang mga bata sa drama mo. Shield them, let them lead normal lives just like any teenagers do, may autism o wala, hindi yung bitbit mo sila sa pag video, sa court. They are only children once. Wag m iparanas sa mga anak mo ang naranasan mo.”
“Money cannot buy you happiness. Kahit sandamukal ang pera mo kung marami kang poot sa puso mo di ka talaga magiging maligaya. Gusto mo laging may kaaway. Wala kang peace of mind.”
q q q
Janella Salvador plays a fan girl named Mandy in the “Wittyrella” episode of Touch Screen, which streams on March 6 on iWant TV.
Bilang Mandy, ginagamit ni Janella ang Twitter para magparamdam sa kanyang crush.
“Actually, nahirapan ako nang slight na makapasok sa character ko noong una kasi hindi talaga ako ‘yung tipong nagpa-fangirl. Pero marami akong kilalang fangirl at nakikita ko kung gaano sila ka-protective sa mga idols nila.
“They can be very protective and some of them cam be very fierce. Iyon ang character ko. Sa totoong buhay ay hindi ko ginagawa ‘yon,” say ni Janella about her character.
As to those who fangirl sa kanya, ito naman ang sinabi ng young actress, “Siyempre I am very, very thankful for them kasi nakikita kong talagang grabe, binubuhos talaga nila ang so much time for me and I never fail naman to tell them na sobrang na-appreciate ko sila.
“Pero I always remind them siyempre may boundaries tayo na parang you have to know (kung hanggang saan puwede.) Si-guro positive encouragement lang, no comparison, don’t bash other people and support who you want to support,” she added.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.