Janine mala-Dark Phoenix ng X-Men sa Dragon Lady; dusa ang make-up
NAGING malapit din si Janine Gutierrez kahit sa maikling panahon sa yumaong nanay ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.
Bilib ang dalaga sa closeness at pagmamahalan ng pamilya ni Rayver, at mas tumaas daw ang respeto at pagmamahal niya sa Kapuso actor-dancer nang pumanaw ang ina nitong si Beth Cruz dahil nakita niya kung gaano kasolid ang kanilang pamilya.
Wala naman daw ibinilin sa kanya ang nanay ni Rayver pero marami rin daw itong nairegalo sa kanya noong nabubuhay pa. Aniya, sa kabila ng pagluluksa at kalungkutan, nagagawa pa rin ni Rayver na magtrabaho dahil sa malakas nitong support system.
“Ako naman, nandito lang ako for him. And matapang si Rayver, his whole fa-mily. And ang masasabi ko, sobrang bait ng mommy niya kaya hindi ako nagtataka kung lumaki ring mababait at marespeto silang magkaka-patid,” sabi pa ni Janine nang makachikahan ng entertainment media sa nakaraang presscon ng bago niyang afternoon series sa GMA, ang fantasy-romance-drama na Dragon Lady.
Magsisimula na ito sa darating na Lunes kapalit ng Asawa Ko, Karibal Ko na magtatapos ngayong araw na pinagbidahan nga nina Rayver, Kris, Bernal at Thea Tolentino. Kasama rin dito ang nanay niyang si Lotlot de Leon.
Ang Dragon Lady ay iikot sa kuwento ni Celestina Sanchez, isang babaeng i-pinanganak na may itsura na parang sa dragon. At sa kanyang paglaki, haharapin niya ang iba’t ibang pagsubok sanhi ng kanyang kakaibang itsura hanggang sa bansagan na siyang the Dragon Lady.
Bukod sa matitinding eksena sa serye, dusa at hirap din ang inaabot ni Janine dahil halos tatlong oras daw ang i-nilalaan nila para sa kanyang prosthetics bilang dragon lady.
Ayon sa direktor nilang si Paul Sta. Ana, inspiras-yon ng itsura ni Janine sa serye si Dark Phoenix ng “X-Men” na may kapangyarihan na nanggaga-ling sa apoy. Inamin ng Kapuso actress na matagal na niyang gustong gumanap na “strong woman” tulad ni Daenerys Targaryen (Emilia Clarke) AKA Khaleesi (Mother of Dragons) sa Game of Thrones.
“Sumobra yata ang pagdarasal ko kaya pati ako, na-ging dragon!” natatawang sabi ni Janine.
Makakatambal niya rito si Tom Rodriguez na gaganap naman bilang si Michael Chan na isang Filipino-Chinese at mai-in love kay Celestina ngunit haharangin ng kanyang pamilya dahil sa bakbakan sa negosyo. Unang nagtambal ang dalawa sa Magpakailanman episode na “When Love Conquers All: The Will Dasovich and Alodia Gosiengfiao Story” noong April, 2018.
Malaki rin ang magiging partisipasyon ng estatwa ng dragon sa kuwento na may taglay na SSS (swerte, sumpa at sikreto).
Ka-join din sa Dragon Lady sina James Blanco, Diana Zubiri, Maricar de Mesa, Joyce Ching, Edgar Allan Guzman at DJ Durano.
Sa pilot week naman ng serye, bibida sina Bea Binene (young Diana Zubiri), Kristoffer Martin (young James Blanco), at Derrick Monasterio na mamamatay sa unang linggo pa lang ng Dragon Lady.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.