Dating DH ng HK, lumevel up, droga na ang bitbit! | Bandera

Dating DH ng HK, lumevel up, droga na ang bitbit!

Susan K - March 01, 2019 - 12:10 AM

NAGMAMADALING yumaman!

Ito ang bersyon ng mga psychologist kung bakit nahuhulog sa ilegal na mga gawain ang ating mga kababayan.

Dahil sa labis na kasakiman sa pera at kagustuhang makuha iyon sa lalong madaling panahon, kung kaya’t pikit mata nilang pinapasok maging ang napakadelikadong operasyon ng pagbibitbit ng droga.

Tulad na lamang ng dating domestic helper sa Hongkong. Naaresto ito nang mahulihan siya ng shabu at marijuana na nagkakahalaga ng 12,000 HKD.

Aminado ang Pinay na may bitbit nga siyang droga kung kaya’t naghain ito ng guilty plea sa korte ng HK.

Matagal na pala siyang isinasailalim sa surveillance ng mga awtoridad doon.

Pang personal na gamit lang daw ‘anya ang mga iyon ngunit umamin din siya sa bandang huli nang makita ang timbangan sa kaniyang apartment.

Pero hindi niya sinabi kung saan galing at saan niya dadalhin ang shabu. Iaakyat na sa High Court ang kaso ng Pinay at hihintayin na lamang ang igagawad na hatol dito.

Nakalulungkot na nalululong sa masasamang gawain maging ang ating mga kababaihan. Gayong mabuti-buti pa rin, kahit papaano na sa Hongkong siya nahuli, dahil pagkakulong lamang ang kahaharapin niyang kaparusahan doon.

Kung sa China nangyari iyon o sa Indonesia kaya, o sa mga bansang Death Penalty ang iginagawad sa mga nahuhuling may bitbit na droga, tiyak madadagdagan na naman at maisasama sa listahan ng nasa death row ang naturang Pinay.

Hindi nakuntento sa pagiging domestic helper ang ating OFW. Feeling niya level-up na siya kung maglalabas-masok siya ng Hongkong, pero hindi na bilang DH.

Negosyante na ang pagkakilala ng mga ito sa kanilang mga sarili. Nababago na rin ang estilo ng kanilang pananamit. Siyempre nga naman, level-up na! Dapat branded na! Mula sa damit, bag at sapatos.

Kaya kahit anong mangyari, susuungin nito kahit pa alam nilang pawang ilegal na mga transaksyon iyon, pero mabilis ang pera. Mabibili nila agad ang bawat naisin.

Lilinlangin din nila ang mga sarili sa pagsasabing ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang mga pamilya. Ngunit ang totoo, ang labis na paghahangad na magkaroon ng maraming pera sa napakaikling panahon, ang siyang nagtutulak sa kanila na gawin iyon.

Marami pa ang tulad nila. Marami pa ang gumagawa pa rin ng mga pailalim na mga gawaing tulad nito, hindi pa lamang sila nahuhuli.

Pero hindi naman iyon magtatagal, tiyak namang babagsak at babagsak pa rin sila sa kamay ng batas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending