Malinis na kartada itataya ng Petron, F2 Logistics sa PSL | Bandera

Malinis na kartada itataya ng Petron, F2 Logistics sa PSL

- February 27, 2019 - 04:05 PM
Mga Laro sa Huwebes (Pebrero 28) (Filoil Flying V Centre, San Juan)  2 p.m.  Sta. Lucia vs Petron 4:15 p.m. Foton vs F2 Logistics 7 p.m.  Cignal vs United VC Team Standings: Petron (3-0); F2 Logistics (3-0); Cignal (3-1); PLDT (2-2); Foton (1-2); United VC (1-2); Sta. Lucia  (1-3); Generika-Ayala (0-4) DALAWANG koponan na lamang sa Philippine Superliga Grand Prix ang nananatiling walang talo at ngayon ay muling masusubukan ang tikas at galing ng Petron at F2 Logistics sa pagharap ng mga ito sa magkahiwalay na kalaban Huwebes ng hapon sa Filoil Flying V Centre, San Juan. Ang nagdedepensang kampeong Blaze Spikers ay sasagupa sa  Sta. Lucia ganap na alas-2 ng hapon habang ang Cargo Movers ay haharap sa Foton alas-4:15 ng hapon. Sa ikatlong laro ng triple-header ay magtutuos ang Cignal HD Spikers at United VC  umpisa alas-7 ng gabi. Llamado sa mga sagupaang ito ang Petron at F2 Logistics na hindi pa natatalo sa tatlong laro, maging ang Cignal na nanalo ng tatlong sunod matapos na mabigo kontra F2 Logistics sa opening game ng torneyo. Mangunguna para sa Petron sina Mika Reyes, Remy Palma, Aiza Pontillas, Rhea Dimaculangan at ang dalawang import nito na sina  Stephanie Niemer at Katherine Bell. Ang Cargo Movers naman ay pinangungunahan ng dating Most Valuable Player at three-time PSL Grand Prix champion na si Lindsay Stalzer. Makakatulong niya sina Becky Perry, Dawn Macandili, Abigail Maraño, Kim Fajardo at Abigail Cruz. “We need a leader on the court, especially the imports. We look up to them because the Grand Prix is a battle of imports,” sabi ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending