2019 PSL All-Filipino Conference knockout quarterfinals umpisa na | Bandera

2019 PSL All-Filipino Conference knockout quarterfinals umpisa na

Melvin Sarangay - August 14, 2019 - 08:16 PM

Mga Laro Huwebes (Agosto 15)
(Filoil Flying V Centre)
4:15 p.m. Foton vs PLDT
7 p.m. Petron vs Marinerang Pilipina

MAKAUSAD sa semifinals ang hangad ng Petron Blaze Spikers at Foton Tornadoes sa pagsagupa nila sa Marinerang Pilipina Lady Spikers at PLDT Home Fibr Power Hitters sa pagsisimula ng 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference knockout quarterfinals ngayong Huwebes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Matapos manguna sa double-round preliminaries, makakasagupa ng No. 1 Blaze Spikers ang walang panalo na Lady Skippers sa kanilang sudden-death game ganap na alas-7 ng gabi habang makakaharap ng third seed Tornadoes ang sixth seed Power Hitters sa isa pang semifinals match dakong alas-4:15 ng hapon.

Tinapos ng Petron ang elims na may 13-1 kartada habang ang karibal nitong F2 Logistics Cargo Movers ay tumapos sa No. 2 spot sa hawak na 12-2 karta matapos ang dalawang masakit na pagkatalo sa krusyal na bahagi ng preliminaries.

Naagaw naman ng Foton ang ikatlong puwesto matapos itala ang 25-15, 29-27, 25-14 panalo kontra Marinerang Pilipina noong Martes habang lumapag sa ikaapat na puwesto ang Generika-Ayala Lifesavers sa hawak din nitong 8-6 kartada.

Ang magwawagi sa salpukan ng Petron-Marinerang Pilipina ay makakatapat ang mananalo sa pagitan ng Generika-Ayala at Cignal HD Spikers habang ang mananaig sa Foton at PLDT ay makakaharap ang magtatagumpay sa pagitan ng F2 Logistics-Sta. Lucia Lady Realtors sa semifinals kung saan ang higher ranked team ay makukuha ang twice-to-beat advantage.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending