Petron, F2 Logistics agawan sa PSL Invitational crown | Bandera

Petron, F2 Logistics agawan sa PSL Invitational crown

Melvin Sarangay - October 16, 2019 - 09:52 PM

Mga Laro Ngayong Oktubre 17
(Ynares Sports Arena)
4 p.m. Foton vs Cignal (battle for third)
6 p.m. Petron vs F2 Logistics (sudden-death finals)

MULING sasariwain ng Petron Blaze Spikers at F2 Logistics Cargo Movers, ang dalawa sa pinakamalakas at matagumpay na volleyball club sa bansa, ang kanilang matinding tunggalian sa kanilang 2019 Philippine Super Liga (PSL) Invitational Conference sudden-death finals matchup ngayong Huwebes, Oktubre 17, sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Ganap na alas-6 ng gabi magsasalpukan ang Cargo Movers, na hangad maidagdag ang korona ng Invitational Conference sa kanilang koleksyon ng mga titulo, at Blaze Spikers, na asam makabalik sa trono ng prestihiyosong women’s club league ng bansa.

Bago ito ay maghaharap muna ang Foton Tornadoes Blue Energy at Cignal HD Spikers sa kanilang bronze medal match dakong alas-4 ng hapon.

May pinagsamang 11 titulo, ang Cargo Movers at Blaze Spikers ay magtatapat sa finals sa ikapitong pagkakataon sa labanan na inaasahang magiging dikdikan at dramatiko katulad ng mga nauna nilang finals showdown.

Sasandigan ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus sa kanilang knockout finals duel si Filipino-American Kalei Mau at ang mga kapwa national team members na sina Aby Maraño, Dawn Macandili at Majoy Baron pati na sina Kianna Dy, Desiree Cheng, Kim Fajardo at Ara Galang.

Hindi naman magpapatalo si Petron coach Shaq Delos Santos na sasandigan ang mga national team players na sina Rhea Dimaculangan, Mika Reyes at Frances Molina pati na sina Sisi Rondina, Aiza Maizo-Pontillas, Bernadeth Pons, Chloe Cortez at Rem Palma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending