Aktor may bagong aktres na ginagamit para 'manloko' | Bandera

Aktor may bagong aktres na ginagamit para ‘manloko’

Cristy Fermin |February 23,2019
facebook
share this

Aktor may bagong aktres na ginagamit para ‘manloko’

Cristy Fermin - February 23, 2019 - 12:15 AM


MAINIT na nga ang gabi pero mainit na kape pa rin ang pinagharap-harapan sa isang malaking umpukan. Kasi raw ay mainit din ang kuwentong pagpipistahan nila tungkol sa isang popular na male personality.

Kilalang-kilala ang nasabing male personality sa pagne-name drop ng kung sinu-sinong artistang babae na diumano’y palagi niyang nakaka-date.

Kaso, nagdedenay naman ang mga babae, wala raw katotohanan ang pinagsasasabi ng guwapong male personality na exclusively dating sila.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang naman ngayon siya gumaganyan, e! Kahit naman nu’n pa, meron na siyang ginagawang ganyan! Naalala n’yo ‘yung isang magandang girl na ginamit-gamit din niya nu’n na kiyeme-kiyemeng nakaka-date din niya?

“Ilang beses niyang pinalutang na magkasama raw sila palagi na lumalabas, pero lihim na lihim lang, dahil very private ‘yung female personality!

“Hindi totoo ‘yun! Ang totoo, e, may boyfriend ‘yung girl na eventually, e, napangasawa niya. Paano palalabasin ng male personality na sila?

“Mahiya nga siya! Ginagawa niya ang ganyan para lang pagtakpan ang isang katotohanan na ayaw pa kasi niyang aminin! The truth will set him free, di ba naman?” naiinis na pahayag ng aming impormante.

May bago na namang kakiyemean ang male personality, isang loveless na namang female personality ang sinasabi niyang ka-date niya nang madalas, kailan naman kaya magdedenay ang girl na ito?

“Remember, isang magandang female personality rin ang ipinamalita niyang palagi niyang ka-date. Gasgas na gasgas ang kuwento niya na madalas silang mag-date ng magandang girl.

“Pero nu’ng tanungin naman ng mga reporters ang girl kung gaano ‘yun katotoo, ang sabi ng magandang personality, e, minsan lang namang nangyari ‘yun at napakarami pa nilang magkakasama.

“Buking ang male personality na mahilig mag-namedrop! Heto na naman siya ngayon, meron na naman siyang pinalalabas na female personality na nakaka-date niya.

“I’m sure, magdedenay rin ang girl na ‘yun dahil wala namang katotohanang madalas silang magkasama. Naku, may pinagtatakpan na naman ang male personality, puwede rin namang may gagawin silang movie na ang male personality ang mamumuhunan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo ang male personality na ito na ayaw pang makipagkita nang personal sa sarili niya para tantanan na niya ang pagne-namedrop ng mga kababaihan!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending