DEAR Ma’am
Good morning! Itatanong ko lang po kung kahit 10 months lang po akong nagtrabaho sa Japan ay pwede po ba akong maka-avail ng loan? Gagamitin ko po kasi sana para sa itatayo po naming business ng kapartner ko po. Hoping po ako sa reply n’yo.
Maraming salamat po at God bless po.
Noemie
REPLY:
Napakalaki po ng advantage ng pagiging miyembro ng OWWA. Sa halagang $25, heto ang maaaring makuha na benepisyo:
1. Scholarship ng mahusay na anak sa kolehiyo (80-85% ang grado at nakapasa sa DOST exam)
2. Scholarship para sa anak ng OFW na usd 600 pababa ang sahod kada buwan
3. Scholarship sa skills training sa TESDA-accredited institution
4. Livelihood para sa mga OFW na umuwi nang hindi natapos ang kontrata dahil sa problema sa abroad
5. Livelihood sa OFW na pauwi — php 100k-2M na pautang mula sa OWWA-Landbank, 7.5% interest per annum
6. Death and burial benefit — php 120k kung natural cause, php 220 kung accident ang cause
7. Disability benefit hanggang php 50k, depende sa grabe ng disability
8. Libre po ang pamasahe pauwi ng OFW na nagkaproblema sa abroad, mula kahit saan po sa mundo hanggang home city or town sa Pilipinas.
Paalala lang, kapag hindi naging hindi OWWA member hindi pwedeng maka-avail ng loan. Privilege lang ito ng mga OWWA members.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.