'Barna' ni Karla sisimulan lang pag nakalipad na si Liza bilang 'Darna' | Bandera

‘Barna’ ni Karla sisimulan lang pag nakalipad na si Liza bilang ‘Darna’

Reggee Bonoan |February 20,2019
facebook
share this

‘Barna’ ni Karla sisimulan lang pag nakalipad na si Liza bilang ‘Darna’

Reggee Bonoan - February 20, 2019 - 12:20 AM


SA Gandang Gabi Vice nagsimula ang pangarap na pelikula ni Karla Estrada, ang “Barna” na spoof ng “Darna”.

Tanda namin noong Abril, 2016 sa presscon ng “Her Highness: The Queen Mother” concert nabanggit ni Karla na gusto niyang gawin ang “Barna” na isa ring superhero na may suot na kapang kulay purple na parang si Barney.

Nagsimula ang usaping “Barna” nang mag-guest si Karla sa GGV noong March, 2016. Dito tinanong ni Vice kung anong pangarap ng kaibigang TV host-actress.

Sagot ni Karla gusto niya sanang maging Darna at noong bata siya ay idolo rin niya si Wonder Woman.

Pero ang payo ni Vice sa kanya, “Hindi puwedeng Wonder Woman kasi international at hindi rin puwedeng Darna kasi may gagawa na. Ang bagay sa ‘yo ay Barna kasi Barney na si Darna.”

Sabay pakita sa screen ng ginawang poster ng GGV kung saan naka-Darna costume si Karla pero kulay purple. Sabi ni Vice, “Yan ang tataob sa record ng Avatar, babaeng violet. Tapos ang tagline ng Barna, ‘I love you, you love me.'”

Tawang-tawa si Karla sabay sabing, “Okay na rin ako diyan sa Barna. Kasi lumaki lahat ang mga anak ko kay Barney at paborito talaga nila yun.”

Kaya naman sa mediacon ng pelikula niyang “Familia Blondina” nitong Linggo ay muling nabanggit ni Karla ang tungkol sa “Barna.”

Kaya pala hindi pa rin nauumpisahan ang “Barna” ay dahil hindi pa naipalalabas ang “Darna” ni Liza Soberano.

Pagkatapos ng presscon ng “Familia Blondina” ay natanong namin kung nagsimula na siyang mag-shooting para sa “Barna,” “Naku, hindi tayo mag-i-start kasi kailangang hintayin munang makalipad si Darna,” aniya pa.

Dagdag pa ni Karla, “Hintayin natin kasi iyon naman talaga ang gusto kong maging ano (pelikula) pero siyempre hindi naman tayo puwedeng manguna-nguna but of course, kung hindi man malaman natin, we’ll never know kasi tao na rin ang magpapasya. Panginoon ang magpapasya kung kailan lilipad si Barna.” Hirit pa niya, “Ay, hindi pala nakakalipad si Barna. Hindi! Mabigat, di ba?”

Samantala, nabanggit ni Karla na perfect ang pelikulang “Familia Blondina” ngayong Year of the Pig, Year of the Tiger daw siya na secret ally ng baboy.

Kuwento pa ng tinaguriang Queen Mother of Comedy, “Perfect talaga kasi actually, Year of the Tiger ako pero si Daniel (Padilla) is Year of the Pig. Ngayong taon is really my year na feeling ko ang positive agad kaya maganda talaga ang combination namin ni Daniel. Wala namang masama na maniwala tyo diyan, guidance natin ‘yan, pero ang lahat ay idinasal ko sa Panginoon,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Familia Blondina” sa Peb. 27 mula sa direksyon ni Jerry Sineneng handog ng Arctic Sky Entertainment at Cinescreen. Kasama rin sa pelikula sina Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo, Awra Briguela, Kira Balinger, Marco Gallo at Jobert Austria.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending