Gardo maraming pinaiyak nang mamatay sa Onanay | Bandera

Gardo maraming pinaiyak nang mamatay sa Onanay

|February 20,2019
facebook
share this

Gardo maraming pinaiyak nang mamatay sa Onanay

- February 20, 2019 - 12:35 AM


NAG-TRENDING sa social media at talagang pinag-usapan ng mga manonood ang pagkamatay ni Gardo Versoza sa GMA Telebabad series na Onanay.

Bumuhos ang emosyon sa nasabing episode ng serye matapos ang madamdaming eksena ni Gardo bilang si Dante. Pinatay na nga ang kanyang karakter sa Onanay matapos sugurin si Helena (Cherie Gil) para paaminin ito sa ginawang pagkidnap sa anak ni Onay (Jo Berry) na si Maila (Mikee Quintos).

Kahit si Gardo ay naging emosyonal matapos mapanood ang pagkamatay ni Dante. At sa pamamaalam niya sa nasabing teleserye, nag-post ang aktor sa kanyang Instagram account para magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa Onanay at sa lahat ng nakiramay sa pagkamatay ni Dante.

Ipinost niya sa IG ang litrato kung saan nakahiga siya sa loob ng kabaong na may caption na: “Maraming salamat po PANGINOON sa paggabay nyo po sa aking pagganap sa katauhan ni DANTE.”

“Salamat po cupcakes sa lahat ng nagmahal kay lolo Dante, mamimiss ko ang kakulitan ng karakter nya,” dugtong pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending