True ba, Karla masama ang loob kay Kathryn?

By Ervin Santiago February 19,2019
share this

True ba, Karla masama ang loob kay Kathryn?

By Ervin Santiago February 19,2019
share this


HINDI totoong may tampo o sama ang loob si Karla Estrada kay Kathryn Bernardo.

Ito’y sa gitna nga ng chika na may matinding pinagdaraanan ngayon sa kanilang relasyon sina Kath at Daniel Padilla “I never had any issues with Kathryn,” unang pahayag ng nanay ni Daniel nang makachika ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng bago niyang pelikula last Sunday, ang “Familia Blondina.”

“Alam niya (Kath) iyan, sa family niya. So, I’m good doon sa relationship nilang dalawa ni Daniel. Because nakita ko naman na ang anak ko ay nag-mature. And then, actually, silang dalawa, pareho silang naghilahan paakyat.

“So, wala akong puwedeng sabihing hindi maganda, di ba? And of course, bilang nanay, bago ko sabihin sa mga tao ang aking hinanakit, o kung ano man ang kailangan kong maging komento kay Kathryn at kay Daniel, mauuna na yun sa bahay sa aking anak.

“Hindi tayo puwedeng maglaba ng maruruming damit natin sa social media. Because wala silang maitutulong lahat kundi makikilaba lang sila, di ba?” ang sunud-sunod na chika ng tinaguriang Queen Mother of Comedy.

And for the record, sinabi rin ni Karla na hindi totoo ang mga tsismis na naghiwalay na sina Kathryn at Daniel. Natural lang daw sa isang couple ang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan pero sumusumpa siya na walang break-up na naganap.

May nagtanong naman sa TV host-actress kung nai-imagine na ba niyang maging lola sa anak ng KathNiel, sandaling natulala si Karla sabay sabing, “Actually, lola na ako. Kasi, yung iba kong mga pamangkin, may mga anak na. So, oo.

“Pero sa sarili kong anak? Ahhmm, hindi ko masabi kung naiisip ko na o hindi, pero ngayon ay nasa mga tamang edad naman sila. Ang importante sa akin, handa na ba sila?! Handa na ba kayo?!” sagot ni Karla sabay tawa.

Samantala, naikuwento rin ng nanay ni DJ ang estado ng kanyang lovelife ngayon. Aniya, nasa Colorado, California ang boyfriend niya ngayon kaya LDR (long distance relationship) ang peg ng pakikipagrelasyon niya ngayon.

“Ngayon medyo aabutin muna ng tatlong taon bago bumalik. Kasi doon may bagong negosyong tinayo. So, bago ito sa akin. Kaya sabi ko, walang masyadong expectations, hindi ko nilalaliman ang pagmamahalan, ang layo e,” pahayag ni Karla.

Alam naman daw ng mga anak niya ang tungkol dito, “Alam nila, ni Daniel kasi nakasama ko na nang matagal yung tao na ‘yon, we’ve been together for seven years. Katulad nga ng sinabi ko, hindi naman kasi ako mahilig magkwento ng aking buhay pag-ibig,” hirit pa ng TV host-actress.

“Basta okay ako, happy ako, higit sa lahat, may love life o wala, sa estado ng buhay ko ngayon, maayos ang mga anak ko, wala na akong hihilingin pa,” pahabol pa ng bida ng “Familia Blondina”.

Samantala, promise ni Karla hindi masasayang ang ibabayad ng madlang pipol sa mga sinehan kapag nanood ang mga ito ng “Familia Blondina.” Bukod sa sobrang nakakatawa ang mga pinaggagagawa niya rito, marami ring aral na mapupulot ang bawat miyembro ng pamilya.

E, sa trailer pa lang talagang hagalpakan na ang mga miyembro ng media na um-attend sa presscon ng movie, paano pa kaya sa kabuuan nito, di ba?

Makakasama rin sa movie sina Jobert Austria, Kira Balinger, Marco Gallo at marami pang iba, sa direksyon ni Jerry Sineneng. Showing na ito sa Feb. 27 sa mga favorite n’yong sinehan nationwide mula sa Arctic Sky Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending