Male star walang respeto, bastos kaya hiniwalayan ng dyowang female celeb

By Cristy Fermin February 19,2019
share this

Male star walang respeto, bastos kaya hiniwalayan ng dyowang female celeb

By Cristy Fermin February 19,2019
share this


MISMONG pamilya pala ng female personality ang umayaw sa kanyang boyfriend na aktor. Mula pa nu’ng magsimula ang kanilang relasyon ay kontra na sa lalaki ang pamilya ng singer-actress.

Maraming dahilan kung bakit. Wala raw kasing respeto sa pamilya ng female personality ang aktor na kung makaporma ay akala mo napakalaking aktor na nito samantalang wala pa namang napatutunayan.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo bang ilang months na silang magkarelasyon, e, ni hindi pa rin nakikilala ng family ng girl ang boyfriend niya? Di ba, sa kaugaliang Pinoy, dapat, e, magkakakilala na sila?

“Ibig sabihin lang nu’n na hindi umakyat ng ligaw ang guy sa babae, di ba? Hindi kasi siya kilala ng pamilya, e! Nu’ng maging sila na, ilang buwan na silang mag-boyfriend, e, hindi pa rin siya kilala ng family ng girl!

“Kasi nga, hindi siya nagpupunta sa bahay ng girl, kapag sinusundo niya naman ang girl kapag may date sila, hindi rin siya nagbibigay-pugay sa parents ng babae!

“Naghihintay lang siya sa car, hindi siya umaakyat sa bahay, ganu’n katindi ang ugali ng guy,” kuwento ng chikadora naming impormante.

Nu’ng minsang sunduin ng family niya ang girl sa isang show ay dumating ang aktor. Wala itong pakialam sa mga kasama ng kanyang girlfriend, ang babae lang ang pinansin ng aktor, kaya maraming nawindang sa kanyang ginawa.

“Ang girl lang ang mahalaga sa kanya, parang silang dalawa lang ang nabubuhay sa mundo, wala siyang binabati kundi ang girl lang. ‘Yun ang dahilan kung bakit napakaligaya ng pamilya ng girl nang magdesisyon siyang makipaghiwalay na sa aktor.

“Sa wakas, nagising na rin sa katotohanan ang girl, nakatakas na rin siya sa isang relasyon na ang lalaki lang ang palaging nasusunod. Walang pakialam ang guy sa gustong mangyari ng babae, puro ang gusto lang niya ang kailangang mangyari.

“Ngayon, mukhang nagrerebelde ang girl sa paghihiwalay nila ng guy, ang mga bagay na hindi niya nagagawa nu’ng sila pa, ‘yun ang ginagawa ngayon ng babae!

“Matagal siyang parang nakulong nang walang rehas, kaya pa-sexy nang pa-sexy ngayon ang girl sa mga pictorial niya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ano nga ang titulo ng isang banyagang kanta, “Do You Know The Way To San Jose.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending