Claudine nakipagbati na kay Greta: I’m very happy because of my ate…!

February 19,2019
share this

Claudine nakipagbati na kay Greta: I’m very happy because of my ate…!

February 19,2019
share this


MARAMING natuwa sa balitang nagkabati na ang magkapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Kumalat sa social media ang litrato at video ng mag-sisters na kuha habang sila’y nagdi-dinner sa Solaire Resorts & Casino sa Parañaque.

Naroon si Gretchen para sa isang post-Chinese New Year celebration habang kasama naman ni Claudine ang mga anak na sina Sabina at Santino para mag-staycation. Ito ang kauna-unahang pagkakataon makalipas ang ilang taon na muling nagka-bonding sina Greta at Claudine.

Alam naman ng lahat ng nagkaroon ng matinding away noon ang magkapatid dahil sa isyu ng kanilang pamilya. Kaya naman, tuwang-tuwa ang social media followers nila nang makita silang magkasama,
Sa Instagram Live video, maririnig si Gretchen na nagsasabing, “It’s Chinese New Year tonight, we’re celebrating it at the ballroom of Solaire.”

Dito rin sinabi ni Claudine na masaya siyang makasama uli ang kanyang elder sister, “I’m very, very happy tonight because of my ate.”

Sabay ding binasa ng dalawa ang mga comments ng netizens. Nag-thank you pa si Claudine sa isang IG follower ni Gretchen na pumuri sa kanilang mag-sister, “Gergeous Barretto, aw! Thank you! Ako yung pumangalawa, number one yung ate ko!”

Biro namang sagot ni Greta, “I’m not an ate, I’m your youngest sister.”

Kung matatandaan, balitang nagkaayos na sina Claudine at Gretchen noon pang 2017 matapos magpalitan ng magagandang comments sa Instagram para sa isa’t isa. Ilang beses din nilang ipinagtanggol ang isa’t isa sa mga bashers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending