Park Hae Jin bibida uli sa bagong K-romance drama

February 19,2019
share this

Park Hae Jin bibida uli sa bagong K-romance drama

February 19,2019
share this


MAPAPANOOD na muli ang isa sa mga Korean heartthrob na si Park Hae Jin sa upcoming romance drama na Secret.

Kinumpirma ng agency ni Hae Jin na Mountain Movement na tinanggap na ng aktor ang proyekto na magsisilbing unang project nito sa 2019.

Gaganap si Hae Jin bilang si Kang San Hyuk, isang ambisyosong tao na mapapabilang sa 119 (ang emergency telephone number ng Korea) special rescue team. Magiging importante sa kanyang paglaki ang pera at karangalan.

Sisimulan na ni Hae Jin ang shooting ng Secret sa second half ng 2019.

Bukod sa hit series na Cheese In The Trap (2016), napanood din si Hae Jin sa Bad Guys (2014) at Man To Man (2017).

Naging bahagi rin siya ng mga hit K-drama na Seoyoung, My Daughter (2012), My Love From The Star (2013) at Doctor Stranger.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending