Sunshine balak idemanda ang chef na nambastos sa anak kahit nag-sorry na | Bandera

Sunshine balak idemanda ang chef na nambastos sa anak kahit nag-sorry na

|February 19,2019
facebook
share this

Sunshine balak idemanda ang chef na nambastos sa anak kahit nag-sorry na

- February 19, 2019 - 12:01 AM


PARA kay Sunshine Cruz, hindi pa sapat ang paghingi ng tawad ng chef na nambastos sa kanyang anak sa social media.

Sa isang panayam, sinabi ng aktres na hindi niya nakita o nabasa ang public apology ng chef at bukod dito, hindi niya naramdaman ang sinseridad ng pagso-sorry nito. Natanggal na rin sa pinagtatrabahuang hotel ang nambastos na chef.

“Ang latest na nalaman ko nag-release naman ng public apology. But unfortunately, I wasn’t able to see it personally kasi unangpuna binlock niya nga ako sa Instagram ‘di ba? Tapos sa Facebook I think nag-de-activate na after saying na the public apology,” bahagi ng pahaya ni Sunshine sa nasabing panayam.

Kung matatandaan, umalma ang aktres nang mabasa ang mga bastos at malilisyosong mensahe ng nasabing chef para sa kanyang menor de edad na anak. Ibinahagi niya ang kanyang galit laban sa nasabing lalaki sa pamamagitan ng social media.

“Ang anak ko na menor de edad huwag na huwag mo bastusin. Kung wala man silang tatay na maaaring magpoprotekta sa kanila, mas matindi ang mga nanay lalo na isang katulad ko na magpo-protekta sa mga anak ko na wala namang ginagawang masama sa kahit na sino,” galit na pahayag ni Sunshine.

Ang nais pa sanang mangyari ng aktres ay, “I just hope na he also apologizes doon sa napakaraming babae na biniktima niya kasi ano e, hindi lang naman ako ang biniktima kundi napakarami pang babae and it has been happening since 2017 if I’m not mistaken.

“Huwag natin gamitin ang social media para mambastos ng tao, hindi lang artista in general sana. Lalo na sa mga babae at menor de edad pa, ‘yun lang naman,” sabi pa ni Sunshine.

Ayon pa sa ex ni Cesar Montano, medyo okay na raw ang kanyang anak matapos ang insidente, “Sabi ko nga sa kanya, ‘Anak I think ang mahalaga dito is kumbaga lumabas, lumabas sa publiko, na-expose’ and nilaban ko talaga ‘hindi lang yung mga anak ko kundi para na din sa ibang kababaihan.

“Kaya sana mag-sorry din siya sa iba kasi kung hindi baka pag-isipan ko pa na idiretso sa whatever na kaso ito na puwede ko pang isampa laban sa kanya,” pahayag naman ni Sunshine sa panayam ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending