‘Kayo na ang pumili ng rason sa break-up ng showbiz couple’

By Cristy Fermin February 16,2019
share this

‘Kayo na ang pumili ng rason sa break-up ng showbiz couple’

By Cristy Fermin February 16,2019
share this

PALAGING nakapanghihinayang ang pagkasira ng relasyon ng mga artistang nasaksihan ng publiko ang lalim ng pinagsamahan.

Lalo na kung walang third party, mas nakapanghihinayang ang ganu’n, lalong mas lumalalim ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Ang palaging dahilan ng paghihiwalay ng mga artista ay ang pagiging chickboy ng male personality.

Nahuhuli ng girl na hindi lang pala siya ang nag-iisang nasa puso ng kanyang boyfriend.

Minsan naman ay kabaligtaran ang senaryo. Ang male personality ang nakakahuli sa girl na dalawa pala silang lalaki sa buhay nito.

Pero paano kapag wala naman palang third party sa hiwalayan ng matagal nang magkarelasyong artista? Ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?

Kuwento ng isang source, “Mas malalim ang kuwento kung nagkahiwalay sila na wala naman palang third party. Ibig sabihin, may mas kakaibang reason ang hiwalayan nila.

“Puwedeng dahil tamad ang lalaki, walang pangarap, kilos nang kilos ang female personality habang tulog lang naman nang tulog ang karelasyon niya.

“Puwede rin namang sa barkada. Mas madalas pang kasama ng guy ang mga kaibigan niya kesa sa girlfriend niya! May mga ganu’ng sitwasyon, pinag-aawayan ng magkarelasyon ang mga kabarkada ng lalaki.

“Puwede rin namang family ang involved sa break-up. Ayaw ng pamilya ng babae sa lalaki dahil user lang. Ginagamit lang ng lalaki ang babae para sa kagustuhan niyang sumikat.

“At puwede rin namang dahil sa pagbibisyo ng lalaki. Lalo na kung madisiplina ang girl at wala talagang kabisyu-bisyo, napakalaking problema nu’n!

“Nagtatagal lang ang relasyon kung parehong nagbibisyo ang couple. Walang nagiging problema dahil pareho silang user. Pero kung straight ang girl at walang bisyo, siguradong susuko siya, iiwan niya ang lalaki,” kuwento ng aming impormante.

Kailan lang ay nagkahiwalay ang isang magkarelasyong artista, walang third party sa kanilang break-up, mutual decision daw ang naganap.

Balik-kuwento ng aming source, “Pili na lang kayo sa mga sinabi kong reason ng hiwalayan. Alin kaya sa mga nabanggit ko ang dahilan ng paghihiwalay nila? Merong reason na naging dahilan talaga ng hiwalayan ng showbiz lovers na ito,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sinu-sino sila?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending