DJ Cha Cha: Pag nag-break kami ng dyowa ko, si Papa Ted talaga ang ipapalit ko!

By Dominic Rea February 14,2019
share this

DJ Cha Cha: Pag nag-break kami ng dyowa ko, si Papa Ted talaga ang ipapalit ko!

By Dominic Rea February 14,2019
share this

WALANG malisya ang friendship nina Ted Failon at DJ Cha Cha. Almost 4 years nang magkasama ang dalawa sa DZMM TeleRadyo program na Failon Ngayon.

Sa presscon ng pelikulang “Pansamantagal ” kung saan isa sa tatlong bida si DJ Cha Cha with Bayani Agbayani and Gelli De Belen, sinabi nitong naging mabuting kaibigan sa kanya si Ted at huwag daw lagyan ng intriga ang pagiging close nila base sa mga kulitan at landian nila sa radyo.

“Napakabuti niyang tao. Napakabait niyang kaibigan para sa akin. Feeling ko si Papa Ted ang nagbukas ng door sa akin sa movie industry. Kasi siya yung nagpu-push on air na bakit di ako gawing artista, bakit di ako kunin sa Showtime, bakit di ako sa TV Patrol?

“Mga ganoon niya on air at sinabi pa niyang dapat magka-pelikula na ako. Ibang klase siya. Kaya huwag na nating lagyan ng kulay (ang relasyon). Siguro, we had the right love at the wrong time lang! Ha-hahahaha! Kasi may jowa na ako nu’ng time na pumasok ako sa DZMM radio show niya.

“Seven years na kami ng dyowa ko eh. Actually, binibiro ko nga palagi ang jowa ko na kapag nag-break kami, si Papa Ted na ang dyodyowain ko talaga! Natatawa na lang siya sa akin kasi siguro alam niya namang nagjo-joke lang ako.

“Palabiro lang talaga si Papa Ted. Lalo na nu’ng bago pa lang ako sa show niya, kasi hindi niya pa naman alam that time na may jowa na ako dahil feeling ko naman, hindi niya tinatanong sa akin, kaya hindi rin ako nagsasabi sa kanya. Hanggang sa mag-Boracay kami ng jowa ko, doon niya lang nakita at nalaman na taken na pala ako. Pero love ko si Papa Ted. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya,” kuwento pa ng DJ sa amin.

Isang pakialamerang waitress sa isang restaurant ang role ni Cha Cha sa pelikulang “Pansamantagal” sa direksyon ni Joven Tan.

“Actually, super thankful ako sa role ko. Kasi hindi mabubuo ang kuwento nina Bayani at Gelli sa movie kapag wala yung role ko. Kaya nu’ng inoffer sa akin, tinanggap ko agad. First movie ko siya and sana sunod-sunod na ang movie projects ko! Charoooot!” aniya pa.

Ikakasal na pala ngayong May, 2019 si DJ Cha Cha sa kanyang non-showbiz boyfriend na isang nurse at kasalukuyang nasa car business. Aside from that ay busy rin silang dalawa ng kanyang partner sa kanilang milk tea business. Ninong sa kanyang kasal sina Helen Gamboa, Ted Failon, Noli de Castro at Queen Mother Karla Estrada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending