Edu hinihintay na ang pagkamatay sa Probinsyano: Si PGMA ang peg ko | Bandera

Edu hinihintay na ang pagkamatay sa Probinsyano: Si PGMA ang peg ko

Julie Bonifacio - February 15, 2019 - 12:05 AM

EDU MANZANO

INAASAHAN na rin ni Edu Manzano ang nalalapit na pagkawala niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Last Monday ay pinatay na ang karakter ni Lito Lapid sa aksyon-serye ni Coco Martin.

Tatakbo kasing senador ang aktor habang congressman naman sa San Juan ang puntirya ni Edu sa May election.

Nu’ng nakausap namin si Edu sa advance birthday party ni former Sen. Jinggoy Estrada clueless pa raw siya kung paano siya mawawala sa Ang Probinsyano.

“Hindi namin alam kung saan daldahin ‘yung istorya, e, because number one, marami kasi ang kakandidato. Hindi pwedeng sabay-sabay silang mawawala,” lahad ni Edu.

Curious ang marami kung sino ang hahalili kay Edu bilang presidente sa serye, “Yun nga, hindi ko alam, e. O, babalik si Rowell (Santiago). O, kaya si John (Arcilla). May ganoon din, e. May ganoong klaseng ano na pati ako tatraydurin.”

Hindi lang namin sure kung iimbitahin ni Edu si Coco to campaign for him.

“Actually, hindi ko siya nakakaeksena. Pero you know, kung saan niya dinadala ‘yung istorya, kasama ‘yung mga scriptwriter, e, kami tuloy ang mga nag-inherit. So, we’re grateful dahil lahat kami, hindi lang sarili niya, binibigyan niya ng importansya,” pahayag ni Edu.

Marami naman ang nagbibiro kay Edu sa pagtakbo niya bilang Congressman ng San Juan.

“‘Yun ang ginagamit ko’ng peg ngayon. May nagsasabi nga sa akin, ‘Edu, bakit mula presidente ka sa Ang Probinsyano, congressman ka ngayon?’ Sabi ko, ‘PGMA nga ‘yung peg ko ngayon, e.’ But kidding aside, kailangan may solid block talaga ang industrya,” aniya pa.

Kung papalarin, maaaring magkasama ulit sa isang “bahay” si Edu at ang Star For All Seasons na si Lipa Cong. Vilma Santos. Kaya may possibility na maging tandem sila sa mga committees at pagpasa ng batas sa House of Representatives.

“I’m sure meron kaming shared interests. Isa doon ay ang kapakanan ng industriya at lahat ng mga industry workers. And I’m sure ‘yung iba diyan katulad nina Yul Servo, Alfred Vargas at lahat ng makakatulong,” lahad pa niya.

Tinanong namin si Edu kung pwede rin silang mag-tandem ni Cong. Vi sa pag-push na bigyan na sila ng apo ng panganay nilang anak na si Luis Manzano.

“No, I think, well, we have so much trust on Luis at sa kanyang mga choices. Hindi namin kailangang i-guide pa siya. Nasa kanila ‘yun. I believe in ano, when they feel the time is right, sila ang magdedesisyun.”

Samantala, kung si Titanic Action Star Bong Revilla, Jr. ay very eager na makagawa na ulit ng pelikula, iba naman ang kaibigan niya at “kosa” na si former Sen. Jinggoy Estrada. Wala pa sa isip niya ang magbalik-showbiz. Bagaman napakalapit sa puso niya ang mga taga-industrya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, busy na si Jinggoy sa pangangampanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending