Onanay ng GMA wagi uli sa ratings game

February 13,2019
share this

Onanay ng GMA wagi uli sa ratings game

February 13,2019
share this


PANALO na naman sa ratings game ang nakaraang episode ng GMA Telebabad series na Onanay. Natalo nito ang kalabang programa sa kabilang network.

Patunay ito na hindi na bumibitiw sa kuwento ng mag-iinang Onay (Jo Berry), Natalie (Kate Valdez) at Maila (Mikee Quintos) ang mga manonood. Patindi na kasi nang patindi ang mga makapigil-hiningang eksena sa serye lalo na ngayong malapit nang mabuking ang mga sikreto ni Helena (Cherie Gil).

Unti-unti na ring lumalayo ang loob ni Natalie sa kanya dahil hindi pa rin nito matanggap ang katotohanan na mas mahal na ng dalaga ang tunay niyang ina na si Onay kesa sa itinuring niyang ina sa loob ng mahabang panahon.

Nagbanta na rin si Natalie na hinding-hindi niya mapapatawad si Helena sakaling mapatunayan na ito nga ang nasa likod ng pagkidnap sa kanila ni Onay at sa paglilibing dito ng buhay.

Nagtagumpay kasi si Maila na makapunta sa bahay nina Natalie para komprontahin si Helena sa ginawa nito sa kanyang ina. Pero siyempre, todo deny pa rin si Helena dahil nasa harapan niya si Natalie.

Pero hanggang kailan niya ito maitatago? Hanggang kailan niya lolokohin ang mga taong nasa kanyang paligid at ang batas? Nalalapit na ang katapusan ni Helena kaya ang tanong ng manonood, paano kaya niya pagbabayaran ang lahat ng ginawa niyang kasamaan sa pamilya ni Onay?

‘Yan ang tutukan sa pagpapatuloy ng Onanay sa GMA Telebabad after Cain At Abel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending