MATAPOS sumailalim sa halos tatlong buwang training at rehearsal, handang-handa na ang mga grupong Clique V at Belladonnas para sa kanilang bonggang-bonggang all-out concert sa Feb. 23, 7 p.m. sa SM North EDSA Skydome.
Ang Clique V at Belladonnas ang dalawa sa pinag-uusapang teen groups ngayon sa bansa na parehong hataw sa pagkanta at pagsasayaw, and very soon ay sasabak na rin sa pag-arte sa pelikula at telebisyon.
Both groups started their rehearsals since November of last year, with the hope of course that the audience will all enjoy their first major concert for the year, titled “This is Me.”
“This is Me” is directed by Robin Obispo, and is choreographed by Mia Pangyarihan and Aira Bermudez ng Sexbomb, with Mich Garong and Donald Balbuena.
Inaabangan sa concert ang mga pasabog na production numbers ng Belladonnas at Clique V. Ayon sa all-female group, “a sexier and bolder” live performance ang kanilang ibibigay something that the audience will remember.
Ayon naman sa Clique V members, ile-level up nila ang kanilang performance sa “This Is Me” while one member is expected to perform a “sizzling hot number” na siguradong ikatutuwa ng kanilang mga beking fans.
Kailangan ding abangan ng kanilang mga supporters ang mga production numbers na siguradong hinding-hindi makakalimutan ng audience. Siyempre, kakantahin din ng Clique V at Belladonnas ang kanilang mga original songs.
In fairness, napakinggan na namin ang ilan sa kanilang mga kanta at may LSS (last song syndrome) factor din ito lalo na ang mga bagong songs ng Belladonnas na may touch naman ng Sexbomb Group.
Special guests sa “This Is Me” concert ang Kapuso star na si Kyline Alcantara, Star Music and MOR DJ Anna Ramsey and Hashtag members CK and Zeus.
“This is Me” is produced by 3:16 Events & Talent Management under Len Carrillo. For ticket inquiries call lang kayo sa SM Tickets.
q q q
Samantala, tungkol naman sa kani-kanilang personal life, hangga’t maaari ay mas gusto muna nilang mag-concentrate sa trabaho at sa career.
Ayaw daw nilang sayangin at sirain ang tiwalang ibinibigay sa kanila ng kanilang manager na si Len Carillo kaya sa ngayon, focus muna sila sa kanilang mga career. Ginagawa raw nila ang lahat para mas makilala sila sa larangan ng pagsasayaw at pagkanta.
In fairness, promising ang Clique V at Belladonnas at nakikita namin sa kanila ang dedication at sincerity sa mga ginagawa nila. Kaya goodluck sa inyong major concert!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.