'Itlog' ni Ai Ai matagal nang naka-preserve, kakaririn na raw ang pagbubuntis sa 2020 | Bandera

‘Itlog’ ni Ai Ai matagal nang naka-preserve, kakaririn na raw ang pagbubuntis sa 2020

Jun Nardo |February 09,2019
facebook
share this

‘Itlog’ ni Ai Ai matagal nang naka-preserve, kakaririn na raw ang pagbubuntis sa 2020

Jun Nardo - February 09, 2019 - 12:25 AM

AI AI DELAS ALAS

TUMOTODO na si Ai Ai delas Alas ngayon sa trabaho dahil next year ay maghihinay-hinay na siya para harapin naman ang pagkakaroon ng anak sa kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Tatlong movies ang ginagawa ngayon ng Comedy Queen. Ito ay ang “Sons of Sabel” kasama ang alaga niyang grupong Ex Batallion, “Feelinials” with Bayani Agbayani at ang comeback film ng GMA Films na “Kambal, Karnabal.”

This Feb. 15 naman ang kanyang Valentine concert na “The Hitmakers & Ai” kasama sina Rey Valera, Marco Sison at Hajji Alejandro na gagawin sa Newport Performing Arts sa Resorts World.

Ready na naman daw ang “itlog” ni Ai Ai na matagal nang naka-preserve. Hindi na kailangan ni Gerald i-preserve ang kanyang sperm dahil bata pa naman siya.

Of course, magastos ang paraang gagawin nina Ai Ai at Gerald para magkaroon ng baby pero pinaghahandaan talaga ng Kapuso comedienne-TV host ang araw na ‘yon kaya hindi niya iniisip ang gastos, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending