4 huli sa buy-bust, P3M shabu narekober
ARESTADO ang apat katao na nahulihan ng P3.5 milyong halaga ng shabu sa isang apartelle sa Quezon City kaninang ng umaga.
Kinilala ang mga nahuli na sina Joshua Salazar ang kanyang tiyahin na si Mineya Amorine, Ruby Balani at Mary Jane Duran.
Nagsagawa ng buybust operation ang pulisya laban sa mga suspek na nag-check in sa isang apartelle sa Araneta Ave., Brgy. Dona Imelda.
Matapos makabili ang police poseur buyer ay pinasok na ng mga pulis ang kuwarto at nahuli ang mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang kalahating kilo ng shabu.
Sa mga suspek umano kumukuha ng ipinagbabawal na gamot ang mga nagbebenta sa Maynila at mga karatig na probinsya.
Ayon kay Salazar nautusan lamang siya ng isang Kristie upang dalhin ang isang plastic container kapalit ng P500.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.