Louise kakaibang kabit sa ‘Hanggang Kailan’, Xian minumura ng manonood
HANGGANG kailan mo matatagalan ang buhay ng isang kabit o other woman?
Hanggang kailan mo kayang mabuhay bilang number 2 ng lalaking pinili mong mahalin kahit alam mo nang meron na siyang number 1?
Yan ang susubuking sagutin ng kakaibang hugot movie ng taon, ang “Hanggang Kailan” na pinagbibidahan nina Xian Lim at Louise delos Reyes sa direksyon ni Bona Fajardo under Viva Films, BluArt Productions at XL8 Films (pag-aari ni Xian).
Napanood na namin ang pelikula sa ginanap na premiere night nito kamakailan at in fairness, agree kami sa sinabi nina Xian at Louise na it’s not just your ordinary kabit movie na karaniwang napapanood natin sa mga Pinoy movies.
Kakaiba ang naging atake ni Direk Bona sa pagtalakay sa kuwento ng isang kabit.
Sasagutin din ng pelikula kung ano nga ba ang mas matimbang – ang dalawang taong relasyon ng lalaki sa kanyang ikalawang girlfriend o ang 10 taong relasyon niya sa babaeng tanggap na ng kanyang pamilya at malapit na niyang pakasalan?
Ang “Hanggang Kailan” ay kuwento nina Kath (Louise) at Donnie (Xian) na nagkainlaban sa maling panahon at maling paraan. Nagpunta sila sa Japan para magpakaligaya at i-enjoy ang isa’t isa pero iba nga ang nangyari sa apat na araw nilang bakasyon doon.
In fairness, ang galing-galing ni Louise bilang kabit. Binigyan niya ng ibang mukha ang karaniwang imahe ng mga other woman na palaban, iskandalosa at mas matapang pa sa original.
Ilang beses kaming nakiiyak sa kanya sa mga eksenang kailangan na niyang tapusin ang relasyon nila ni Xian.
May mga dialogue si Louise sa movie na siguradong tatagos sa mga puso ng manonood, lalo na sa mga babaeng pumapayag na maging number 2. Sigurado kaming maraming makaka-relate sa role ni Louise sa “Hanggang Kailan” pero hindi kami sure kung gagayahin din ng ibang kabit ang ginawa niya sa pelikula.
q q q
Inis na inis naman kami sa karakter ni Xian sa movie bilang si Donnie, talagang minumura siya ng mga manonood dahil sa ginagawa niya kay Kath. At siya pa ang pa-victim sa ilang eksena, ha!
Ibig sabihin effective ang acting ni Xian bilang isang lalaking nabubuhay ng may dalawang babaeng karelasyon.
Habang pinanonood namin ang “Hanggang Kailan” ay ilang beses din naming namura si Donnie dahil sa mga ginawa niya kay Kath. Sabi nga namin, sana sa ending mamatay na lang siya para maging malaya na si Kath na grabe ang pagmamahal na ibinigay sa kanya.
Sa mga nagtatanong tungkol sa halikan at love scenes nina Xian at Louise sa movie, nabigyan naman nila ito ng “hustisya”. Lalo na si Louise na walang takot na nag-topless sa isang sex scene nila ni Xian.
Mabilisan ding nag-hello ang kanang bahagi ng kanyang boobs habang hinuhubaran siya ni Xian.
At ang isa pa sa mga bonggang bonus ng “Hanggang Kailan” para sa mga manonood ay ang ilang tourist attractions sa Japan kung saan kinunan ang mga highlights ng movie.
Grabe! Ang ganda-ganda ng mga pinuntahang lugar nina Xian at Louise sa Japan. Kaya after mong mapanood ang pelikula parang gusto mo nang magpa-book patungong Japan at bisitahin din ang mga ipinakitang tourist spots doon.
Hindi predictable ang kuwento ng “Hanggang Kailan”, talagang aabangan mo kung sino ang pipiliin ni Donnie sa ending, kung si Kath ba o ang babaeng una niyang minahal?
Pero kami, sa totoo lang, gusto naming mamatay si Donnie habang nandoon pa sila sa Japan para pag-uwi ni Kath sa Pilipinas ay tuluyan na siyang makalaya. Ha-hahaha! Ang brutal ba?
Showing na ngayon sa mga sinehan ang “Hanggang Kailan” nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.