Skin cancer ni Dayanara nagsimula lang sa buhay na nunal | Bandera

Skin cancer ni Dayanara nagsimula lang sa buhay na nunal

Cristy Fermin |February 07,2019
facebook
share this

Skin cancer ni Dayanara nagsimula lang sa buhay na nunal

Cristy Fermin - February 07, 2019 - 12:20 AM


NAPAMAHAL na sa ating mga kababayan ang tinanghal na Miss Universe 1993 na si Dayanara Torres. Pangalawang tahanan na nga niyang itinuturing ang Pilipinas.

May mga ginawa siyang pelikula dito sa atin katambal ang nakarelasyon niya sa tunay na buhay na si Aga Muhlach.

Pero malungkot na balita ang gumulat sa ating mga kababayan dahil mismong ang dating Miss Universe ang kumumpirma na meron siyang skin cancer. Nagsimula lang ‘yun sa isang buhay na itim na nunal sa likod ng kanyang tuhod.

Matagal na panahon niyang hindi pinansin ‘yun, hanggang sa lumaki na nang lumaki at tubuan siya ng mga kulani sa binti. Nang-i-biopsy ang nakuhang laman ay kumpirmadong kalat na ang cancer sa kanyang katawan.

Sa kanyang video ay nagbahagi pa ng payo ang dating beauty queen na huwag babalewalain ang ating kalusugan. Kapag may kakaiba na tayong nararamdaman ay huwag tayong magdadalawang-isip na kumonsulta agad sa doktor.

Nalungkot ang buong bayan sa pinagdadaanan ngayon ni Dayanara Torres, natutuhan na kasi siyang mahalin ng mga Pinoy, at minahal din niya ang ating bayan na parang tunay na dito siya nagmula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending